Kinumpirma ni President Ferdinand Marcos Jr. na nadakip na si dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co sa Prague, Czech Republic, noong Abril 16, 2026.
Si Co ang itinuturong utak ng flood control scam kung saan daan-daang bilyong piso ang pinaghihinalaang naibulsa ng mga mambabatas at opisyal ng gobyerno na sangkot sa nakakarimarim na krimeng ito.
Hhindi na bumalik sa Pilipinas si Cp mula nang umalis siya noong Setyembre 2025 para sa kanyang medical check-up sa Amerika.
Si Co ang nag-akusa kay Marcos at sa pinsan nito, si former House Speaker Martin Romualdez, na sangkot umano sa PHP100 billion insertions sa national budget.
Read: Zaldy Co tags Marcos, Romualdez as mastermind of bicam insertions
MARCOS ANNOUNCES ZALDY CO'S ARREST IN PRAGUE
Sa Facebook post ni Pangulong Marcos nitong Huwebes ng gabi, Abril 16, sinabi niyang nadakip na si Co.
“Nahuli na si Zaldy Co,” pahayag ng Pangulo.
“He is now detained in Prague after crossing into the Czech Republic without proper documentation and is currently in the custody of Czech authorities.
“We are in close coordination with the Czech government to ensure that all legal processes are followed and to arrange for his return to the Philippines at the soonest possible time.
“We will keep the public informed as developments unfold.”
CO ACCUSED MARCOS, ROMUALDEZ OF PHP100B PROJECT INSERTIONS
Sa inilabas na video ni Co noong Nobyembre 2025 sa kanyang verified social media accounts, idiin niyang may kinalaman sina Marcos at Romualdez sa PHP100 billion projects insertion sa national budget.
Bahagi ng kanyang pahayag: “Tinawagan ko po si dating Speaker Martin Romualdez at ni-report ko ang instructions ng Presidente to insert the P100 billion projects. At sinabi niya [Romualdez] sa akin, 'What the President wants, he gets.'”
Mabigat ang paratang ni Co na, diumano, gagawin ng pamahalaan ni Marcos Jr. ang lahat para patahimikin siya.
“Ginagamit ng administrasyon ang buong resources ng bansa para tumahimik ako. That he will shoot me if I will talk.
"Gagamitin ako bilang panakip-butas sa kanilang kampanya laban sa korapsyon," sabi ng dating kongresista.
Ayon pa kay Co, pabalik na siya sa Pilipinas pagkatapos ng kanyang medical check-up sa Amerika, pero pinigilan umano siya ni Romualdez na umuwi ng bansa.
Saad niya: "Habang papauwi na ako, tinawagan ako ni dating Speaker Martin Romualdez at sinabihan, 'Stay out of the country. You will be well taken care of as instructed by the President.'
“Noon naniniwala pa ako sa kanila kaya't hindi ako bumalik. Tumikom ang aking bibig. Sumunod ako.
"Pero ang hindi ko alam, ang ibig pala nilang sabihin sa 'aalagaan ka namin' ay gagamitin ako bilang panakip-butas sa kanilang kampanya laban sa korapsyon.
“Ginawa nila akong poster boy ng kanilang sariling kasinungalingan.
"Ngayon, hindi na ako mananahimik, ilalabas ko ang lahat ng katotohanan. May resibo,may ebidensya at may pangalan."
Inaabangan na ng sambayanang Pilipino ang pagbabalik ni Co sa Pilipinas mula sa Prague, para papanagutin sa mga akusasyong ibinibintang sa kanya.
Ngunti kasaby nito, may ilan ding nag-aalaala para sa kanyang kaligtasan kapag bumalik siya sa Pilipinas.
Ngunit ang mas mahalaga ay malantad ang buong katotohanan at managot ang mga mastermind at iba pang mga sangkot sa malawakang pagnanakaw na ito sa kaban ng bayan.
Related Stories:
- Zaldy Co, pasabog ang "regalo" sa birthday ni Martin Romualdez
- Tatlong air assets ni Zaldy Co, naitakas na sa ibang bansa
- Alden Richards, may patutsada kay Zaldy Co: "May araw ka rin."
- Zaldy-Mylene Co renewal of vows sa Vatican City, muling lumitaw
- Zaldy Co, nag-resign bilang Ako Bicol party-list representative
- Ellis Co speaks out against his father Congressman Zaldy Co
- Revilla, Estrada, Villanueva, Co deny kickback allegations
- Philippine Flood Control Corruption: A Timeline