PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor, spotted sa Bangkok hotel kasama ang "European-looking guy"

Aktor at "European-looking guy" nakiisa sa Songkran sa Bangkok, Thailand.
by Jojo Gabinete
Published 22 hours ago
blind item aktor european looking guy
ILLUSTRATION: Chat GPT

“European-looking guy at maraming tattoo sa katawan.”

Ito ang pagsasalarawan ng isang Pinoy sa lalakeng kasama ng aktor na nagpunta sa Bangkok, Thailand, para makisaya sa Songkran na ipinagdiwang mula Abril 13 hanggang Abril 15, 2026.

Ang Songkran ang tradisyunal na Bagong Taon sa Thailand.

Ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng mga ritwal ng tubig, pagsasama-sama ng pamilya, at public celebration na simbolo ng pagbabagong-buhay, paglilinis, at paggalang sa nakatatanda.

Maraming mga Pilipino, kabilang ang ilang Filipino celebrities, ang pumupunta sa Thailand para ipagdiwang ang Songkran.

Read: Bortang aktor, nag-enjoy sa pakikipagbasaan sa Songkran 2026 festival sa Bangkok

FILIPINO ACTOR SPOTTED WITH A MALE COMPANION

Isang aktor ang nakisaya sa Songkran Festival ngayong taon.

Nanuluyan sila ng kanyang kasamang lalake sa isang hotel sa Bangkok na hindi popular sa mga turista.

Isang kapwa Pilipino, na naka-check-in sa hotel na tinuluyan ng aktor at ng kasama nitong lalake, ang nakakita sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinuwento ng kababayang nakausap ng Cabinet Files na bumilib siya sa aktor na “low profile” dahil simpleng-simple ang pananamit at walang kayabang-yabang sa katawan kahit kilalang artista sa Pilipinas.

Lalong nakuha ng aktor ang paghanga ng ating kababayan nang mag-abot sila sa laundry area ng hotel.

Naabutan ng saksi ang pamamalantsa ng aktor habang nakabantay ang kasama nito.

Nagkatinginan ang saksi at ang aktor, pero hindi sigurado ang saksi kung natukoy ng aktor na Pilipino rin siya.

“As a matter of factly” lang ang tono ng pagkukuwento sa Cabinet Files ng saksi.

Ayaw bigyan ng malisya ang kanyang nasaksihan dahil higit na nangibabaw ang paghanga niya sa pagiging simple ng aktor na madalas nasasangkot sa mga kontrobersiyal na isyu na may kinalaman sa sexual orientation.

Read: Pretty Young Star at Tall & Handsome Personality, nagbunga na ang pagmamahalan

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results