Ang malaking pagkakahawig ng South Korean actor na si Woo Do Hwan sa young Filipino actor na si Rabin Angeles ang napansin ng mga sumusubaybay sa Bloodhounds, ang Korean action-drama series na pangalawa ngayon sa listahan ng Top 10 TV Shows sa Netflix Philippines.
Si Woo Do Hwan ang gumanap sa karakter ng Korean boxer na si Kim Gun Woo sa Season 1 at Season 2 ng Bloodhounds.
Sa kuwento ng Bloodhounds, ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang paboritong boksingero ni Kim.
Mapapanood ito sa Season 1 ng hit K-drama kaya nagmarka sa maraming Pinoy viewers ang nabanggit na palabas.
Read: Thai superstars Nadech Kugimiya and Yaya Sperbund are now married

RABIN ANGELES REACTS TO RESEMBLANCE TO WOO DO HWAN
“Sa mga nagsasabing kamukha ko si Woo Do Hwan, maraming salamat,” reaksiyon ni Rabin sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.
“Marami po ang nagsasabi sa akin na kamukha ko si Woo Do Hwan at madalas po akong napagkakamalang Korean.
"Minsan, tinatanong ako kung may lahi ako dahil singkit ako."
Si Rabin ay mula sa Pampanga at Pilipinong-Pilipino ang lahi.
May mga nagpakita raw kay Rabin ng mga litrato ni Woo Do Hwan at nagkuwento tungkol sa mga pelikula at drama series na pinagbidahan ng sikat na Korean actor.
Pero hindi pa nagkakaroon ng panahon ang Viva actor na panoorin ang mga ito dahil sunud-sunod daw ang mga proyektong pinagkakaabalahan niya.
Saad ni Rabin: “Hindi ko pa po napapanood ang Bloodhounds, pero gusto kong panoorin kapag nagkaroon ako ng chance dahil mahilig ako sa action movies and series.
“If given the chance, I would also like to try action drama and it’s one of my dream roles, ang gumanap na boxer.
“Gusto ko rin po na ma-meet si Woo Do Hwan nang personal at sana magkaroon ako ng chance na magkasama kami sa isang proyekto, malay natin, sa isang Filipino-Korean movie, di ba?”
Hindi ito imposibleng mangyari dahil may partnership sa mga Korean entertainment company ang kanyang home studio, ang Viva Entertainment.
Read: Lotlot de Leon's camp breaks silence on issue with brother Ian de Leon
THE NEXT FAN TAKEOVER
Natapos na ni Rabin ang taping nila ni Angela Muji para sa drama anthology nila sa Viva One.
Ngayong Sabado ng gabi, Abril 18, 2026, kabilang si Rabin sa Viva stars na mapapanood sa The Next Fan Takeover na itatanghal sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.
Kasama ni Rabin sa The Next Fan Takeover sina Wilbert Ross, Zeke Polinta; at ang cast ng My Husband is a Mafia Boss, Dating Alys Perez, Hell University, Golden Scenery of Tomorrow, Project Loki, at Our Yesterday’s Escape.
