Ang social media post ni Kathryn Bernardo kamakailan tungkol sa pagbisita niya sa Bhutan ang dahilan kaya muling binabatikos ang aktres at ang kanyang kasintahang si Lucena City Mayor Mark Alcala ng mga hindi pabor sa kanilang relasyon.
Ang diumano’y madalas na pagbibiyahe sa ibang bansa—sa Thailand at sa Bhutan— ang paratang laban sa dalawa.
Sa Bhutan kinunan ang ilang mahahalagang eksena sa romance-drama series ng ABS-CBN na Princess & I, na pinangunahan ni Kathryn at ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla noong 2012.
Read: Kathryn Bernardo revisits Bhutan 14 years after Princess and I
Ginamit na ebidensiya ng fans na ayaw sa relasyon nina Kathryn at Mark ang bagong video na lumitaw sa social media habang nasa Ninoy Aquino International Airport sila para sa kanilang biyahe sa Bangkok, sakay ng Thai Airways flight TG625.
Ipinost ang naturang video sa social media noong Abril 16.
Ang buong akala ng iba, nagbiyahe muli sila ni Mark sa Bhutan pagkatapos ng kanilang Thailand trip.
Pero mali umano ang akusasyon ng detractors nila.
Hindi pa raw muling umaalis ng Pilipinas sina Kathryn at Mark buhat nang magbakasyon sila sa Bhutan at Thailand noong Semana Santa.
Isang source ng Cabinet Files ang nagsabing nagpunta ang magkasintahan sa Thailand at Bhutan noon pang huling linggo ng Marso 2026.
Diumano, late post ang mga larawang ibinahagi ni Kathryn na kuha sa Bhutan.
Base rin sa mga social media post ng Public Information Office ng Lucena City, hindi umalis ng Pilipinas si Mark dahil ginampanan niya nitong mga nakaraang araw ang kanyang mga tungkulin bilang alkalde ng siyudad.
Read: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, nag-"soft launch" sa Thailand?
KATHRYN AND MARK'S TRIP TO THAILAND AND BHUTAN
Naglabas ng ulat ang PEP.ph noong Abril 1, 2026 tungkol sa Thailand at Bhutan trip nina Mark at Kathryn.
Nakasaad dito: "Nanggaling ang impormasyon mula sa nakakaalam tungkol sa kanilang pagpunta sa Bhutan para mag-camping at magbakasyon sa Bangkok.
“Medyo malabo ang viral photo nina Kathryn at Mark sa Suvarnabhumi Airport kaya malakas ang mga hinalang palihim silang kinunan ng litrato ng mga Pilipinong nakakilala sa kanila.
“May mga nagsasabing pupunta sina Kathryn at Mark sa Bhutan para mag-camping, pero sila lamang ang nakakaalam sa kanilang mga tunay na plano.
“Para makarating sa Bhutan, kailangang pumunta sa Thailand ng mga pasahero para sa eroplanong magdadala sa kanila sa bansang naging bahagi ng buhay ni Kathryn.
Kinunan sa Bhutan ang ilang mahahalagang eksena ng Princess & I, ang primetime series ng ABS-CBN na napanood mula Abril 2012 hanggang Pebrero 2013. Pinagbidahan ito ni Kathryn at ng ex-boyfriend niyang si Daniel Padilla.”
Read: Mark Alcala, tahimik sa relasyon nila ni Kathryn Bernardo