PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Aktres, wasak na wasak sa breakup nila ng pulitiko

Pulitiko, dating nakarelasyon ng isang female TV personality.
by Jojo Gabinete
Published 4 hours ago
blind item actress politician breakup
ILLUSTRATION: Chat GPT

Hindi umabot ng isang taon ang relasyon ng aktres at ng pulitiko mula sa bayan ng lalawigan sa Timog Katagalugan.

Naghiwalay sila noong nakaraang linggo.

Wasak na wasak ang pakiramdam ng aktres dahil sa sandaling panahon lamang ang itinagal ng relasyon nila ng pulitiko, na dating kasintahan ng isang TV news personality.

Inililihim ng aktres ang pakikipagrelasyon sa pulitiko kaya nagulat siya nang malaman niyang marami na ang nakakaalam tungkol sa kanilang pagmamahalan.

Hangga’t maaari, ayaw ng aktres na ipaalam sa publiko ang relasyon nila ng pulitiko dahil posibleng intrigahin ito.

Pero sa kabila ng pag-iingat na kanyang ginawa, humantong pa rin sa paghihiwalay ang kanilang pagmamahalan.

Ang mga pisikal na kapintasan ng dating boyfriend ang namumutawi mula sa bibig ng aktres, at mauunawaan ito dahil sobrang nasaktan siya sa nangyari.

Read: Pretty Young Star at Tall & Handsome Personality, magkaka-baby na

THE POLITICIAN'S EX

Hindi pa tiyak kung nakarating na sa TV news personality ang paghihiwalay ng aktres at ng pulitiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya ng aktres, nasaktan din ang TV news personality nang matapos ang relasyon nila ng pulitiko.

Higit na sakit ang naramdaman ng TV news personality dahil nagtagal ng mahigit sa limang taon ang relasyon nila ng pulitiko pero hindi siya inalok ng kasal.

Walang masyadong alam ang publiko tungkol sa personal na buhay ng pulitiko dahil maingat at malaki ang pagpapahalaga nito sa kanyang privacy.

Read: Aktor at aktres, di maaming break na dahil sa pelikulang ilalabas

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results