Labis na nagalak ang mga tagahanga ni Sarah Geronimo dahil kasama niya ang kanyang amang si Delfin Geronimo sa Earth Day Run 2026 - Manila Leg na ginanap sa SM Mall of Asia, Pasay City, nitong Linggo ng umaga, Abril 19, 2026.
Matagal na panahong hindi nakitang magkasama ang mag-ama sa isang pampublikong pagtitipon kaya tuwang-tuwa ang mga tagasuporta ni Sarah sa eksenang nasaksihan nila na umani ng mga positibong komento.

Bukod sa nakunan ng mga litrato ang mag-ama, ibinahagi ni Sarah sa official social media account niya ang larawan nila ng kanyang Tatay Delfin.
Caption niya, “Tatay Delfin gwapo.”
Read: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, naispatan na naman sa airport?
SARAH GERONiMO'S "CO-STAR"
Kasama ng mag-ama sa litrato si Niña, isa sa furbabies ni Sarah at ng kanyang asawang si Matteo Guidicelli.
May partisipasyon si Niña sa Earth Day Run 2026 dahil siya ang “co-star” ni Sarah sa magkasunod na taon na campaign (2025 at 2026) ng produktong iniendorso ng “mommy” niya.

Pero hindi nasolo ni Niña ang spotlight dahil isinama rin ni Sarah sa Earth Day Run 2026 sina Dakota at Liya, ang malulusog na furbabies din ng Guidicelli couple.

Pinasalamatan ni Sarah ang mga lumahok sa Earth Day Run 2026 at natawa ang lahat nang sabihin niya, “Iboto po ninyo ako sa susunod na eleksyon!”