PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alfred Vargas's wife files cyber libel vs Rob Sy's partner

Yasmine Vargas: "There comes a point when silence is no longer an option."
by Jojo Gabinete
Published A day ago
yasmine alfred cyber libel
Yasmine Vargas, wife of actor-politician Alfred Vargas (right), filed 20 counts of cyber libel against Juvelle Bacosa, partner of actor Rob Sy, at the Quezon City Hall of Justice on April 20, 2026.
PHOTO/S: Instagram

Dalawampung bilang ng cyber libel ang reklamong inihain ng misis ni Alfred Vargas na si Yasmine Vargas laban kay Juvelle Bacosa, partner ng aktor na si Rob Sy, sa Quezon City Hall of Justice ngayong Lunes, Abril 20, 2026.

Sina Rob at Juvelle ang mga magulang ng walong taong gulang na batang pinararatangan ng pambu-bully sa kapwa menor de edad na anak nina Yasmine at Alfred.

Nauna nang nagsampa sina Alfred at Yasmine ng reklamong paglabag sa Section 10 (a) ng Republic Act No.7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination) laban kina Rob at Juvelle sa Manila Prosecutor’s Office noong Lunes, Abril 13, 2026.

Read: Alfred, Yasmine file complaint vs parents of son's alleged bully

Nag-ugat naman ang reklamong cyber libel ni Yasmine sa mga online post umano ni Juvelle, mula April 14-17, na nakarating sa atensiyon ng misis ni Alfred.

Nakasaad sa complaint affidavit ni Yasmine na, diumano, paulit-ulit na nag-post si Juvelle sa social media ng mga mapanirang content laban sa kanya at sa pamilya niya matapos silang magsampa ng una nilang reklamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilahad ni Yasmine sa sinumpaang salaysay nito na puro kasinungalingan ang mga social media post ni Bacosa na may layunin umanong sirain ang kanyang pangalan at pamilya.

Base sa kanyang profile sa Facebook, si Juvelle ay isang digital creator ay real-estate agent.

Paglabag sa Section 4(c)(4) ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mga reklamong isinampa ni Yasmine laban kay Juvelle.

Ayon sa affidavit ni Yasmine, present umano ang mga sumusunod na elemento ng cyber libel sa isinampa niyang reklamo:

"a. Defamatory imputations were made;

"b. Statements were published online through Facebook Stories;

"c. They were identifiable to viewers;

"d. Malice is evident from repeated hostile publications.”

Read: Ama ng nam-bully umano sa anak ni Alfred Vargas, isa ring aktor

YASMINE VARGAS' SOCIAL MEDIA POST

Ngayong araw ay nag-post si Yasmine sa Instagram ng kanyang saloobin kaugnay ng cyber libel complaints na isinampa niya.bel.

Pero hindi nito direktang binanggit ang pangalan ng taong inireklamo niya, ngunit kinumpirma ni Alfred sa Cabinet Files na si Juvelle ang tunutukoy ng kanyang misis.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni Yasmine sa kanyang mahabang post: “In recent days, our family has been in the spotlight after we made the difficult decision to stand up for our son.

“I am deeply thankful for the messages of support we’ve received, as well as the sincere questions from those who wish to understand what happened. I would like to respond with clarity and respect.

“Maraming salamat sa lahat ng nagpadala ng dasal, suporta, at pagmamahal sa amin. Sa totoo lang, ito po ang nagpapalakas sa aming pamilya sa gitna ng pinagdadaanan namin.

“For those who know me, you would understand that I am naturally shy and reserved, and not someone who looks for conflict.

"We tried to handle this quietly and peacefully—para sa kapakanan ng aming mga anak, na dumaan na sa matinding sakit at trauma.

“But there comes a point when silence is no longer an option.

“Bilang isang ina, hindi ko po kayang manahimik habang patuloy na nasasaktan ang aking anak at pamilya kaya pinili naming magsalita—hindi dahil gusto naming makipagtalo, kundi dahil mahal namin ang aming mga anak. Para sa kanila, at para sa lahat ng batang nakakaranas ng bullying, naninindigan kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Today, I filed 20 counts of cyber libel.

"Nalulungkot po ako na umabot pa sa ganito.

"Sinubukan naming idaan sa maayos na pag-uusap noong Pebrero, ngunit sa halip, nagpatuloy ang mga posts sa social media na naglalaman ng maling paratang laban sa akin, sa aking asawa, at sa aming pamilya—even after we chose to remain silent.

“Hindi na po ito maaaring magpatuloy. These claims are false and are meant to damage our name and reputation.

"Pinili naming dumaan sa tamang proseso. Nagsampa na po kami ng reklamo at kalakip nito ang aming ebidensya. Tiwala po kami na lalabas ang katotohanan.

“Sa lahat ng sumusuporta, nagdarasal, at naniniwala sa amin—maraming salamat. Hindi po namin ito kakayanin nang kami lang.

“At sa publiko, nakikiusap po kami: Let us choose kindness.

“Huwag na po nating dagdagan ang sakit sa pamamagitan ng paninira, haka-haka, o masasakit na salita—lalo na online.

"Bullying, in any form, has no place in our community.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang pahayag ang kampo ni Juvelle Bacosa kaugnay sa isinampang cyber libel complaints ni Yasmine Vargas.

Read: Rob Sy strongly denies bullying allegation against his son

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmine Vargas, wife of actor-politician Alfred Vargas (right), filed 20 counts of cyber libel against Juvelle Bacosa, partner of actor Rob Sy, at the Quezon City Hall of Justice on April 20, 2026.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results