Labimpitong taon na ang showbiz career ni Marlo Mortel, 33.
At sa kauna-unahang pagkakataon ngayong 2026, naranasan niyang makipaghalikan sa babae sa isang proyekto.
Nangyari ito sa Caught in the Act, ang Viva Movie Box micro drama series na pinagbibidahan nila ni Rita Daniela.
Rebelasyon ni Marlo: “It was my first intimate scene and kissing scene. It was intense.
"Hindi ko in-imagine na ganoon yung first-ever kissing scene ko. Akala ko pa-cute lang pero ganoon pala.
“Pero okay naman, it was a good one, long take,” ang rebelasyon ni Marlo tungkol sa pakikipaghalikan niya kay Rita sa Caught in the Act.
Read: Marlo Mortel, isiniwalat na pinsan niya si Charlene Gonzalez
Ramdam na ramdam naman daw ni Rita ang tensiyon ni Marlo nang kunan ng direktor na si Temi Cruz Abad ang kanilang love scene.
Ikinagulat ni Rita na “first time” ng singer-actor ang intimate scene na ginawa nila.
“Honestly, nagulat ako,” reaksiyon ni Rita sa ipinagtapat ni Marlo.
“Hindi ko ine-expect na first-ever kissing scene on screen ito ni Marlo.
“So, parang ako, 'Ha? So, you mean to say, ako yung naka-devirginize onscreen?' Ganoon ba yon, Marlo?
“Ramdam ko yung kaba, pero in fairness, inilaban niya.
"Sabi nga niya, it was a long take kasi talagang na-make sure ni Direk Temi na nakuha niya yung lahat ng gusto niya na makuha.”
DIREK TEMI ON MARLO-RITA KISSING SCENE
Pinatotohanan naman ni Temi ang kuwento ni Marlo na sumisigaw na siya ng "Cut!" pero hindi ito narinig ng lead actors ng Caught in the Act.
“Akala ko nga Vivamax,” pabirong sabi ni Temi.
“I had my reservations kasi nga sabi ni Marlo, 'Direk, this is my first.’
“So sabi ko kay Rita, ‘Rita, bahala ka na. Paki-guide na lang siya.’
“Ang sabi ko lang, 'Bigyan ninyo lang ako ng isang intense na salpok ng halik tapos from then on, gradually, i-tone down.'
“But of course, yung tone down, parang hindi yata nila narinig sa instruction kasi nagtuluy-tuloy.
"So, nasa level na ako ng bumubulong na ako sa camera operators na, 'Puwede na ba? Puwede na ba?'
“But then, tuluy-tuloy, so siyempre bilang direktor, you relish kung anuman yung ibinibigay na magandang acting ng artista.
“I couldn’t be happier with the scene because it was the only intimate scene in the series.
"Magiging very controversial kasi yung subject matter about a man of the church falling in love with a lay person.”