PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bunsong anak ni Vandolph na si Vito tuloy ang pagsabak sa showbiz

Vandolph Quizon, unang naging ama sa edad na 17.
by Jojo Gabinete
Published A day ago
vandolph & vito quizon
Vandolph Quizon’s youngest child and only son, Vito Quizon, is trying his luck in showbiz as part of Viva Entertainment’s Next Gen Stars.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Marami ang hindi nakakaalam na unang nagkaroon ng anak sa edad na 17 si Vandolph Quizon, bunsong anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Tatlo ang anak ni Vandolph: isang babae, 24, mula sa dati niyang karelasyon; at isang babae, 18, at lalaki, 16, mula sa kanyang misis na si Jenny Salimao.

Ang bunso at nag-iisang anak na lalaki ni Vandolph na si Vito Quizon ay ipinakilala bilang isa sa Next Gen Stars ng Viva Artists Agency sa Viva Café, Quezon City, noong Martes, Abril 21, 2026.

“Nagkaanak ako, 17 years old. Maaga ako na-rape!” pabirong lahad ni Vandolph, na 41-anyos na ngayon.

“Lumabas yung balita, pero ang point lang naman noon, siyempre I’m still young. Magulo pa yung utak ko.

"Pero eventually, hinarap ko rin. Siyempre anak ko yan."

Pagmamalaki pa niya sa kanyang tatlong anak: "Yung dalaga ko, nag-aaral ng pagdodoktor.

"Yung 18 years old, gusto nasa labas siya ng limelight. Pero mahilig kumanta, saka magaling sa musical instruments at saka more in school siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Vito, mahilig din pumasok sa school. Yun ang gusto namin ni Jen sa kanya, priority pa rin niya ang studies.

“Sabi niya,’ Dad, paano yan, mag-a-absent ako sa launch namin sa The Next Gen Stars?’ Sabi ko, ako na ang kakausap [sa school teachers].

“Senior high si Vito sa National University, member ng basketball team. Sport-minded siya. Mahilig sa basketball.”

Read: Anak ng mga artista, inilunsad ng Viva bilang Next Gen Stars

vito quizon next gen stars
Vito Quizon
Photo/s: Viva Artists Agency Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

VANDOLPH QUIZON ON SON VITO JOINING SHOWBIZ

Hindi baguhang artista si Vito dahil nag-umpisa siya bilang child actor sa Goin’ Bulilit, ang defunct children’s gag show ng ABS-CBN noong 2015.

Lahad ni Vandolph: “Artista na siya nung 2015 sa Goin’ Bulilit, dun siya nag-start.

"Eventually, lagi siyang kinukuha ni Direk Bobot [Edgar Mortiz] sa bawat show."

Ano ang mga payo niya kay Vito nang magdesisyon itong pumasok sa showbiz at nais ding maging komedyante tulad ni Mang Dolphy?

“Yung advice din ng tatay ko ever since, ‘Kapag dumating ka na sa point na nakilala ka na, nandiyan ka na, just always keep your feet on the ground.

“'Lagi kang magpapakumbaba. At the same time, mahalin mo lahat ng katrabaho mo. Hindi ka puwedeng umere.

“'Huwag masyadong ma-in love. Bata ka pa, huwag mong gayahin si Daddy.'"

Pagpapatuloy ni Vandolph: “Si Vito, he was two years old nang mamatay ang tatay ko. Favorite siya ng tatay ko, spoiled siya kasi nakahiga na lang si Erpat. Hindi naman bedridden pero hirap nang tumayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kapag dinadala ko si Vito, iba yung smile ng tatay ko sa kanya. Palagi niyang nilalaro,” lahad ni Vandolph, na hinihingi hanggang ngayon ang patnubay ng kanyang ama sa tuwing nagdarasal siya at gumagawa ng mga desisyon.

HOME ALONG DA RILES

Ibinahagi rin ni Vandolph na kasama niya si Vito sa pelikulang Home Along Da Riles, Da Reunion, na base sa hit comedy series na umere sa ABS-CBN mula 1992 hanggang 2003.

Bida rito ang Comedy King na si Dolphy, at gumanap bilang mga anak niya sina Smokey Manaloto, Claudine Barretto, Gio Alvarez, at si Vandolph.

Nasa cast din sina Nova Villa, Cita Astals, Maybelyn dela Cruz, Boy2 Quizon, at ang mga yumaong sina Babalu at Bernardo Bernardo.

Si Boy2 Quizon ang nagdirek ng Home Along Da Riles, Da Reunion.

Saad ni Vandolph: “Ngayon, kasama si Vito sa Home Along Da Riles, Da Reunion. Showing siya sa mga sinehan sa June 17, 2026, Fathers' Day. Tribute din yon kay Erpat [Dolphy].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Two years in the making yon kasi twice kaming nag-back out sa Metro Manila Film Festival.

“Siguro, God’s will din na nangyari yon dahil mas gumanda yung movie at marami kaming surprises na inilagay.

“Sabi nila, 'Paano gagawin yung Home Along, wala naman si Dolphy?'

"Basta may surprise kami na kami ang unang-unang gagawa sa pelikula. Shocking yan. Shocking!”

Read: Alfred Vargas' wife files 20 counts of cyber libel vs Rob Sy's partner

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vandolph Quizon’s youngest child and only son, Vito Quizon, is trying his luck in showbiz as part of Viva Entertainment’s Next Gen Stars.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results