Nagustuhan ni Diego Aspiras ang paglalaro nito sa Family Feud Philippines noong Miyerkules, Abril 22, 2026.
Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto raw niyang muling sumali sa top-rating game show ni Dingdong Dantes sa GMA-7.
Si Diego ang 21-year-old son son ni Edu Manzano at ng popular chef na si Reggie Aspiras.
Ang guesting niya sa Family Feud Philippines ang unang television appearance ni Diego.
Kasama niyang naglaro ang kanyang teammates sa football club na One Taguig FC.
Read: Meet Diego Aspiras: the football star and son of Edu Manzano

DIEGO ASPIRAS ON HIS FAMILY FEUD EXPERIENCE
Kinumusta ng Cabinet Files kay Diego ang kanyang karanasan bilang contestant sa Family Feud Philippines.
”I enjoyed it a lot. It was a very nice experience and would want to do it again actually. Had a lot of fun,” sagot ni Diego.
Ikinatuwa ni Diego ang sinabi ni Dingdong na anak siya ni Edu, ang OG host ng programa (Family Feud: The Showdown Edition, GMA 7, 2011).
“Regarding what Kuya Dingdong said, it just made me want to anwer better. Couldn’t let him down!” natatawang pahayag ni Diego nang hingin ng Cabinet Files ang reaksiyon niya tungkol sa pagpapakilala ni Dingdong sa kanya.
Isa si Diego sa mga mahuhusay na football player ng Pilipinas.
Noong nakaraang taon, personal siyang inimbitahan para maglaro sa Barcelona City FC sa Barcelona, Spain.
Maraming aral ang natutunan ni Diego mula sa mga karanasan nito sa Barcelona City FC na ibinahagi niya sa Family Feud Philippines viewers.
Saad niya: “Kakaiba talaga kasi yung mga kasama ko doon, none of them spoke Filipino and English.
“So, parang natapon ako doon at kailangan ko matuto ng Spanish… everything, kaya magandang experience yon para sa akin.”
Read: RJ Perkins, agaw-pansin sa swimwear competition ng Mister Pampanga 2026