Matagal nang hindi aktibo sa showbiz ang aktres na dating mainstay ng isang TV show kaya wala nang alam ang publiko tungkol sa mga kaganapan sa kanyang personal na buhay.
Naging marangya ang pamumuhay ng aktres mula nang talikuran niya ang entertainment industry dahil "good provider" ang kanyang karelasyon.
Kinumpirma sa Cabinet Files ng isang kaibigan ng sangkot sa flood control controversy ang karelasyon ng aktres.
May mga anak ang aktres at karelasyon nito.
Ang malalapit na kaibigan at kamag-anak ang tanging nakakaalam sa matagal nang pagmamahalan ng dalawa kaya napangangalagaan pa rin nila ang kanilang pribadong pamumuhay.
Read: Alfred Vargas's wife files cyber libel vs Rob Sy's partner
AKTRES, LULONG SA SUGAL
Walang bisyo ang lalake.
Kabaligtaran ito sa ugali ng aktres na nalulong sa sugal at minsan nang na-ban sa casino.
Mismong ang kamag-anak ng aktres ang nakiusap sa casino management na huwag na siyang papasukin at payagang magsugal dahil sa malaking halaga ng perang ipinatatalo niya.
Nang pumutok ang eskandalo tungkol sa maanomalyang flood control projects at nadamay ang pangalan ng karelasyon ng aktres, saka napagtanto ng mga nakakaalam sa kanilang pagsasama ang dahilan kaya may kakayahan siyang magpatalo sa sugal ng malaking halaga ng pera.
Magaling mag-imbestiga ang netizens kaya hindi nakapagtatakang matuklasan nila sa mga susunod na araw ang katauhan ng aktres at ng kanyang karelasyong dawit sa flood control scam.
Read: TV host-actress na gumon sa sugal, banned na sa sikat na casino