PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Video scandal ng actor-politician, nagsisimula nang kumalat

Actor-politician na sangkot sa video scandal, mayroon nang pamilya.
by Jojo Gabinete
Published 9 hours ago
blind item actor-politician video scandal
ILLUSTRATION: Chat GPT

Hindi pa tapos ang kontrobersiya tungkol sa pagkalat ng video scandal ng ilang male showbiz personalities.

Biktima rin ang aktor na produkto ng isang reality TV show at naglilingkod sa kasalukuyan bilang local government official.

Lumalabas na ang screen shots ng intimate videos ng aktor na pinagpapasa-pasahan na sa social media.

Kasama ng aktor sa maselang panoorin ang babaeng maraming tattoo sa katawan, na tampok din sa leaked videos ng mga showbiz personalities na nauna nang umaming umiral ang kapusukan nila at walang kamalay-malay na may hidden camera na nakatutok sa kanila.

Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat

MORE VIDEO SCANDALS

Nang lumabas noong huling linggo ng Pebrero 2026 ang mga video scandal nina Nikko Natividad, Gil Cuerva, Ron Angeles, Sam Adjani, Arron Villaflor, Andre Cue, at Nico Locco, kumalat ang impormasyong may mga lalabas pang intimate videos.

Napatunayang totoo ito dahil sa paglitaw ngayong Abril ng intimate video ng aktor na pamilyado na at, gaya ni Arron, naglilingkod bilang opisyal sa kanilang lalawigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nababanggit na rin ang pangalan ng aktor sa iba’t ibang mga social media post kaya inaasahan ang posibilidad na pagbibigay niya ng pahayag tungkol sa eskandalo.

Malaking pagsubok ito sa kanyang personal at propesyunal na buhay na dating tahimik, hanggang maging biktima rin siya ng babaeng hindi pa nakikilala ang pagkatao, maliban sa mga tattoo sa katawan.

Related Stories:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results