PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Manuel Chua, iniuugnay sa bagong kumakalat na video scandal

Manuel Chua, bagong biktima ng sindikatong nagpapakalat ng video scandal?
by Jojo Gabinete
Published 12 hours ago
manuel chua video scandal
Actor-politician and former Pinoy Fear Factor contestant Manuel Chua is now trending on social media after an alleged video scandal went viral. He has yet to issue a statement on this issue.
PHOTO/S: Facebook

Popular search sa social media at trending sa X (dating Twitter) simula kahapon, Abril 24, 2026, hanggang ngayong Sabado, Abril 25, 2026, ang pangalan ni Manuel Chua.

Ito ay dahil iniuugnay siya sa pinakabagong kumakalat na video scandal.

manuel chua x twitter

Si Manuel ang diumano’y karagdagan sa listahan ng mga aktor na biktima ng “sindikato” na palihim na kinukunan ng video ang mga pribadong sandali nang lingid sa kanilang kaalaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Manuel Chuable" ang handle ni Manuel sa X.

Nararanasan ngayon ni Manuel na mag-trending sa social media sa hindi wastong paraan dahil sa video scandal diumano niya na lantarang pinagpapasa-pasahan at ibinebenta ng mga taong patuloy na ipinagwawalang-bahala at nilalabag ang Republic Act No. 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009).

Hindi pa naglalabas ng pahayag si Manuel tungkol sa video scandal na iniuugnay sa kanya, pero disabled na ang comments section sa official Facebook page nito.

Samantala, gaya ng ibang mga aktor na biktima ng pagkalat ng private videos, nadagdagan na rin ang bilang ng Instagram followers niya.

Read: Video scandal ng actor-politician, nagsisimula nang kumalat

THE OTHER VICTIMS

Nag-umpisa ang showbiz career ni Manuel nang sumali siya sa Pinoy Fear Factor, ang reality competition show ng ABS-CBN na napanood sa telebisyon mula Nobyembre 2008 hanggang Pebrero 2009.

Noong 2022, sinubukan ni Manuel ang kapalaran sa serbisyo publiko nang kumandidato siyang konsehal ng San Jose, Nueva Ecija.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinalad si Manuel na magwagi at, sa kasalukuyan, naglililingkod pa rin siya bilang konsehal ng kanilang bayan.

Ang Sins of the Father (June 2025-November 2025), ang crime-drama thriller ng ABS-CBN, ang huling TV series project ni Manuel; at ang Labyu with an Accent (2022) ang pinakahuling pelikulang ginawa niya.

Hindi si Manuel ang unang aktor at public official na nasangkot sa video scandal controversy.

Nauna nang nadawit si Arron Villaflor na board member sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Tarlac.

Inamin ni Arron at ng mga kapwa aktor na sina Gil Cuerva, Nikko Natividad, Ron Angeles, at Nico Locco na mga biktima sila.

Nagpahayag ang ilan sa kanila ng intensiyong maghain ng reklamo laban sa mga nambiktima sa kanila. Pero hindi pa sila nagbibigay ng bagong pahayag tungkol sa estado ng usapin.

Nagiging normal na ang lantarang pagbebenta at pag-aalok sa iba’t ibang social media platforms ng mga libreng kopya ng mga video scandal na kinasasangkutan ng mga aktor at kilalang personalidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa itong nakababahalang sitwasyon na tila hindi pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan dahil hindi pa natutukoy at pinananagot sa batas ang mga tao sa likod ng krimen.

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-politician and former Pinoy Fear Factor contestant Manuel Chua is now trending on social media after an alleged video scandal went viral. He has yet to issue a statement on this issue.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results