PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla, nagbabalik-telebisyon sa Blood vs Duty

Robin Padilla, eight years ago ang huling serye sa ABS-CBN.
by Jojo Gabinete
Published 4 hours ago
Robin Padilla, sasabak sa Blood vs Duty
Robin Padilla, tinanggap ang Blood vs Duty dahil walang conflict of schedule sa kanyang senate duties. Bida sa Kapamilya serye sina Richard Gutierrez (in leather jacket) at Gerald Anderson (suit and white shirt) at kasama nila sina Barbie Imperial (leftmost), Bela Padilla (center), at Baron Geisler (rightmost).
PHOTO/S: Robin Padilla Facebook / ABS-CBN

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago, mapapanood na sa darating na linggo ang espesyal na partisipasyon ni Senator Robinhood “Robin” Padilla sa Blood vs Duty, ang action-drama series ng ABS-CBN sa ilalim ng business unit na JRB Creative Production.

Pinangungunahan ito nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.

Read: Mayor Vico Sotto plans to teach at a university in 2028

ROBIN PADILLA, EXCITED SA MUSLIM ROLE

Isang Muslim ang gagampanan ni Robin sa Blood vs Duty, at ito ang kanyang pagbabalik sa pag-arte sa telebisyon.

Walong taon na ang nakararaan mula nang mapanood siya sa Sana Dalawa ang Puso Ko, ang romantic-comedy series ng Kapamilya Network na pinagbidahan nila ni Jodi Sta. Maria noong 2018.

Ayon sa production insider na nakausap ng Cabinet Files, tinanggap ni Robin ang alok na magkaroon ng partisipasyon sa Blood vs Duty dahil una, malapit sa kanyang puso ang karakter na gagampanan niya bilang Muslim siya sa tunay na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangalawa, walang conflict sa mga responsibilidad ni Robin bilang senador ng bansa ang mga araw ng taping niya para sa action-drama series ng ABS-CBN.

Nang makapanayam si Robin ng Cabinet Files noong Nobyembre 2025, iginiit niya na tatanggap lamang siya ng mga acting assignment kapag maganda ang papel na gagampanan, at hindi makakaapekto sa trabaho niya bilang senador.

ROBIN PADILLA HINDI TINANGGAP ANG INCOGNITO AT ISANG GMA APPEARANCE

Inalok na noon si Robin na lumabas sa Incognito, ang action-drama series ng ABS-CBN noong 2025.

Pero tumanggi raw siya noon dahil sa senate duties, kahit gustung-gusto niya na magkasama sila sa isang proyekto ng kanyang pamangkin na si Daniel Padilla.

Nabanggit din ni Robin sa Cabinet Files na inalok siya ng special participation sa television series ng GMA-7, na pinangunahan ni Ruru Madrid, na hindi rin niya tinanggap dahil magkakaroon ng conflict sa kanyang trabaho sa senado.

Read: Miss Universe Philippines 2026: Where to watch and key details

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

PREPARING FOR THE ROLE

Si Gerald ang madalas na makakasama ni Robin sa mga eksena nito sa Blood vs Duty dahil Muslim character ang ginagampanan ng 37-year old actor.

Para maging makatotohanan ang pagganap niya sa katauhan ni Jalil Abubakar hindi na kumakain si Gerald ng karne ng baboy.

Pinag-aaralan na rin ni Gerald ang oras ng pagdarasal ni Robin na mahigpit na sinusunod ang prayer time schedule ng mga Muslim, kahit nasa set siya ng Blood vs Duty.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla, tinanggap ang Blood vs Duty dahil walang conflict of schedule sa kanyang senate duties. Bida sa Kapamilya serye sina Richard Gutierrez (in leather jacket) at Gerald Anderson (suit and white shirt) at kasama nila sina Barbie Imperial (leftmost), Bela Padilla (center), at Baron Geisler (rightmost).
PHOTO/S: Robin Padilla Facebook / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results