PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX star Van Allen Ong, nagmula sa konserbatibong Chinese family

Van Allen Ong, hindi pumapatol sa indecent proposals.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
VMX star Van Allen Ong, nagmula sa konserbatibong Chinese family
Van Allen Ong, nag-aaral ng fashion design habang sumasabak sa pag-arte; fallback ang negosyo ng kanyang Chinese family.
PHOTO/S: Courtesy of Van Allen Ong

May mga tao na likas na mapanghusga at mababa ang tingin sa mga artista na nagpapaseksi sa pelikula.

Ito ang maling akala na gustong ituwid ni Van Allen Ong, ang aktor na madalas na nagbibida sa mga proyekto ng VMX. Pinupuri ang kanyang acting ability at taglay na perfect jawline.

Sa ekslusibong panayam ng Cabinet Files kay Van, ipinarating nito sa mga naghuhusga sa kanya at sa ibang VMX actors, “Huwag nilang tingnan ang sexy stars as gumagawa lang ng intimate scenes."

Sabi pa niya, "Sana tingnan din kung paano sila magtrabaho, paano sila umarte, kasi magagaling din po talaga yung mga artista sa Vivamax, na minsan na-o-overshadow dahil na-o-overpower ng mga bed scene.”

Ang pagmamahal sa pag-arte at sa piniling propesyon ang dahilan kaya ginamit ni Van ang pagpapaseksi sa pelikula bilang instrumento para matupad ang pangarap niya na maging aktor.

Read: Robin Padilla, nagbabalik-telebisyon sa Blood vs Duty

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VAN ALLEN ONG FAMILY

Pero marami ang hindi nakakaalam na nagmula si Van sa konserbatibo at disente na Filipino-Chinese family.

Nagtapos siya ng pag-aaral sa College of St. Benilde-De La Salle University sa Maynila, mahusay siya na magsalita, at hindi maipagkakaila ang kanyang angking katalinuhan.

"They’re Filipino Chinese, and yes, they’re ultra conservative. Pero buti lalaki ako, so they didn’t mind it that much.

"And whenever we talk about it, I try to evade the topic as much as possible,” pagsasalarawan ni Van sa kanyang pamilya na konserbatibo pero tanggap ang pagpapaseksi niya sa pelikula.

Nagkuwento rin si Van tungkol sa negosyo ng kanyang pamilya.

"Matagal na po kami sa garments industry, but I never got involved up until last year after po ng unfortunate experience ko with my project sa Cine Silip which is Babae sa Butas.

"That’s when I decided to get involved sa business and para magkaroon ng back up in case I didn’t make it big sa showbiz," pahayag ni Van.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Meron siyang plano para sa kanyang kinabukasan dahil tanggap niya na hindi matatag at hindi pangmatagalan na trabaho ang pag-aartista.

VAN ALLEN ONG TAKES UP FASHION DESIGN

Sa ngayon ay pinagsasabay ni Van ang pag-arte at pag-aaral.

"Multimedia Arts po ang natapos ko, pero I’m now taking up Fashion Design and Marketing sa SOFA Design and Institute.

"I took up up Fashion Design course to further improve my knowledge sa garments because my father owns a garments business, Prima Apparel.

"It would be my fallback if I didn’t make it big in showbiz. I’ll continue to help with our family business, kasi hindi po ako sure until when po ako mag-aartista."

Read: Mayor Vico Sotto plans to teach at a university in 2028

ON VIDEO SCANDALS

Sunud-sunod ang mga kaso ng mga male celebrity na biktima ng mga video scandal, at dahil napapanahon ang isyu, inalam ng Cabinet Files kay Van ang opinyon nito tungkol sa kontrobersyang pinagpipistahan sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa posisyon si Van para magbahagi ng payo at pananaw dahil tulad ng ibang mga aktor, nakakatanggap din siya ng mga indecent proposal sa kanyang social media accounts mula sa mga tao na hindi niya kilala.

"My thoughts on male celebrities na biktima ng hidden camera and video scandal is that we should always be careful who we are dealing with, especially if hindi natin talagang kilala ang isang tao, kasi maaari itong magdulot sa atin ng kapahamakan.

"In my case, as much as possible, I try to not talk to strangers unless it’s an important inquiry."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Van Allen Ong, nag-aaral ng fashion design habang sumasabak sa pag-arte; fallback ang negosyo ng kanyang Chinese family.
PHOTO/S: Courtesy of Van Allen Ong
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results