Magkasama sina Ashtine Olviga at Apphle Celso sa P-Pop Generation, ang girl group na inilunsad noong 2019 at regular na nagtatanghal sa Teatrino, Greenhills, San Juan City.
Naging magkaibigan sina Ashtine at Apphle, pero nawalan ang dalawa ng komunikasyon dahil nagkanya-kanya sila ng landas nang magkaroon ng pandemya noong 2020 na isang rason kaya nabuwag ang kanilang grupo.
Read: Apphle Celso, dating kagrupo ni Ashtine nagpapaseksi na ngayon
Makalipas ang ilang taon, sumikat si Ashtine bilang singer-actress at loveteam ni Andres Muhlach, samantalang pinili ni Apphle na magpaseksi sa mga pelikula ng VMX.
"Hindi pa po kami nagkikita ever since I left P-Pop Gen," pahayag ni Apple nang tanungin ng Cabinet Files kung ano ang reaksiyon ni Ashtine sa desisyon niyang tumanggap ng mga mapangahas na karakter sa mga proyekto ng VMX.
"Wala na rin akong masyadong balita kasi nagkanya-kanya na kami ng career. Iba-iba na ang mga ginagawa namin.
"Nagkaroon si Ashtine ng bagong girl group, ako naman nag-focus sa TV commercials. Hindi pa kami nagkikita ever since."

Nakausap siya ng Cabinet Files sa media conference ng bagong pelikula niya sa VMX, ang Kesong Puti.
Napakahusay na mang-aawit ni Apphle, at hindi nito itinanggi na minsan nang sumagi sa kanyang isip na maging wholesome actress na kagaya ni Ashtine.
Pero aniya, “I don’t mind other people’s business or career especially naging kaibigan ko rin si Ashtine.
"So kung anuman yung tinahak nila na karera, sobrang happy ako for them. Sobrang saya ko.
"Pero at this moment po, parang ini-enjoy ko muna ang journey ko sa VMX. Iba yung thrill, yung excitement dahil hindi naman ito basta-basta."
Read: Ashtine Olviga, memorable ang kissing scene with Andres Muhlach
APPHLE CELSO, PAANO NAKUMBINSENG MAG-VMX?
Matagal na nag-isip si Apphle bago nito tinanggap noong 2025 ang alok ni Boss Vic del Rosario na magbida sa mga pelikula ng VMX.
Nabuo lamang ang kanyang pasya nang hindi siya naaprubahan sa isang television commercial.
"Last year lang po ako na-convince na mag-VMX. Ilang beses na siyang ino-offer sa akin. I mean, marami naman opportunities. Marami naman akong puwedeng gawin, marami akong kayang gawin.
"Pero parang napagtanto ko lang din na maybe, try something new, something challenging, something bold sa career ko.
"Ayoko po talagang iwanan ang paggawa ng commercials kasi nagsimula ako sa commercials, baby pa ako. And parang ang nabi-visualize ko, hanggang maging lola ako, gagawa ako ng commercials.
"Pero in-offer ito sa akin ni Boss Vic for so many years. Naisip ko na hindi naman ito i-o-offer nang paulit-ulit sa akin kung hindi ito para sa akin.
"So last year, may hinihintay ako na malaking project, commercial po siya. Sabi ko kay Boss Vic, 'Sige po, kapag hindi ako na-approve sa project na ito, mag-VMX na ako.'
"E, hindi po ako na-approve. Nag-VMX na po ako."
Read: Carlos Mangcupang on bartending, Mindanao flavors, and art
AHPPLE CELSO REAL NAME
Pinatotohanan niyang hindi siya gumagamit ng screen name dahil Apphle ang kanyang tunay na pangalan.
"Apphle po talaga ang real name ko. Actually, kaya po ako pinangalanan na Apphle kasi nung baby pa ako, sobrang bilog ng mukha ko, saka rosy cheeks.
"Nilagyan lang siya ng letter "H" ng mom ko kasi gusto lang niya na kapag nag-spell ka sa school, parang kakaiba. Kakaiba pero nahirapan po ako."