Muling napag-initan ang veteran TV host-comedian na si Joey de Leon ng mga matatapat na tagahanga ng ABS-CBN dahil sa kanyang biro tungkol sa "abs."
Sa "The Age Is Right" segment ng noontime show na Eat Bulaga!, noong Huwebes, Abril 23, 2026, naging celebrity guest ang Mister Pampanga 2026 candidate at dating BGYO trainee na si Richard Jermaine“ RJ” Perkins.
Nag-viral si RJ sa social media dahil hindi siya nag-alangang rumampa at ipakita ang malusog na pangangatawan sa swimsuit competition ng male pageant na sinalihan niya.
Read: RJ Perkins, agaw-pansin sa Mister Pampanga 2026
Itinanong ng co-host na si Ryan Agoncillo kay RJ ang paghahandang ginawa niya sa pagsali sa Mister Pampanga 2026.
Sagot ni RJ: “I think it was prior to joining this pageant po, I was mentally preparing myself.
"Kasi sabi ko, I think after three years, I wanted to make another appearance.
"And when I came to Mister Pampanga, right before I was about to walk on stage, sabi ko, 'Okay, this is it and this time, I am showing who am I as RJ Perkins po.'”

Mabilis ang reaksyon ni Joey.
“Saka hindi na uso yung abs. Wala na nga yung abs, e,” hirit ni Joey sa pahayag ni RJ patungkol sa kawalan nito ng abdominal muscles.
Nang sabihin ng kanyang mga natawang co-host na iba naman ang sinasabi niya, sinabi ng veteran TV host comedian, ”Ay, ABS-CBN pala yon, sorry, sorry.”

JOEY DE LEON DRAWS FLAK FOR HIS JOKE
Binatikos at tumanggap ng masasakit na salita si Joey mula sa netizens na nananatiling matapat sa Kapamilya Network, na naging tahanan ng Eat Bulaga! mula 1989 hanggang 1995.
Sa kasalukuyan ay sa TV5 na napapanood ang longest-running noontime show sa Pilipinas, matapos ang halos tatlong dekadang pag-ere sa GMA-7.
Si RJ ang nakinabang sa kontrobersiyal na biro ni Joey dahil pinag-usapan ang paglabas niya sa Eat Bulaga!.
Sa mga kalahok sa Mister Pampanga 2026, si RJ ang nagkaroon ng libre at pinakamaraming publicity dahil sa kanyang body positivity advocacy.
Sa pamamagitan ng Filipino correspondent na si Raul Dancel, naglabas ang Singapore newspaper na The Straits Times noong Sabado, Abril 25, 2026, ng artikulo tungkol kay RJ.
Headline ng artikulo: “Filipino contestant struts in ‘non-pageant body’, sparking debate over male beauty.”

Read: Mister Pampanga candidate RJ Perkins reacts to body-shaming