PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Malaysian actor, gumanap na Rolando Mendoza sa 823 Hostage Crisis

Pelikula tungkol sa Quirino Grandstand hostage taking, palabas na.
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
 Shahronizam Noor as Rolando Mendoza
Malaysian actor Shahronizam Noor (left) portrays former Filipino police officer Rolando Mendoza (right) in 823 Hostage Crisis, a film based in 2010 hostage taking at Quirino Grandstand where eight Hong Kong tourists were killed. Mendoza was also killed by a sniper.
PHOTO/S: YouTube / File

Ang Malaysian actor na si Shahronizam Noor at hindi isang Filipino actor ang gumanap na Rolando Mendoza sa pelikulang 823 Hostage Crisis.

Ang 823 Hostage Crisis ay tungkol sa hostage-taking tragedy na nangyari sa Quirino Grandstand, Rizal Park, sa Maynila noong Agosto 23, 2010.

Naging isang malaking balita sa buong mundo ang hostage taking na ito na kumitil sa buhay ng siyam na katao at ikinasugat ng mga nag-usyoso.

Matinding pagsubok din ito noon sa administrasyon ng bagong halal na Pangulo na si Benigno "Noynoy" Aquino III.

Si Mendoza, 55, na dating opisyal ng Philippine National Police, ang hijacker ng tourist bus na sinasakyan ng mga turista mula sa Hong Kong.

Nang-hostage siya para iparating sa mga kinuukulan ang diumano’y kawalan ng hustisya sa pagkakatanggal niya sa serbisyo.

Nanawagan si Mendoza ng patas na pagdinig sa mga kasong ibinibintang sa kanya para maipagtanggol ang sarili.

Pero hindi na ito nangyari dahil kabilang siya sa mga namatay sa hostage-taking incident na nag-umpisa ng alas-diyes ng umaga at natapos ng alas-nuwebe ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walong turista mula sa Hong Kong ang pinatay ni Mendoza.

Nasawi rin si Mendoza nang barilin siya ng isang sniper.

Read: ICC confirms all crimes against humanity raps vs Rodrigo Duterte

rolando mendoza
Rolando Mendoza was photographed inside the tourist bus he hijacked, where he held Hong Kong tourists hostage.

MANILA HOSTAGE CRISIS NOW A MOVIE

Isa nang pelikula ang Manila hostage crisis noong Agosto 2010.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nag-umpisa ang shooting para sa 823 Hostage Crisis sa Malaysia noong 2022.

Mula sa direksiyon ni Tony Leung, pinagbinidahan ito ni Shahronizam Noor at ng Malaysian actress na si Tong Bing Yu, 42.

Ginampanan ni Tong ang karakter ni Yee Xiao Ling, isa sa mga nakaligtas. Halaw sa mga karanasan niya ang kuwento ng pelikula.

Sa ginanap na press conference ng 823 Hostage Crisis, inilahad ni Tong na nakilala niya nang personal ang hostage survivor na ginagampanan niya sa pelikula.

Nagsilbi rin itong project consultant kaya naunawaan ni Tong nang husto ang papel na kanyang binigyang-buhay.

“This is not just a crime film. It’s a story about how people face and overcome trauma,” pahayag ni Tong.

Ipinalabas sa mga sinehan sa Malaysia ang 823 Hostage Crisis noong Abril 2, 2026.

Nakatakda naman sa Mayo 28, 2026 ang theatrical release ng pelikula sa Hong Kong.

823 hostage crisis poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Shahronizam Noor ON PLAYING ROLANDO MENDOZA

Hindi itinuturing ni Noor na kontrabida si Mendoza.

Ayon sa kanya, “He is not simply a villain but someone who gradually breaks down under pressure and desperation.”

Sinabi ni Noor na matindi ang ginawa niyang psychological research tungkol kay Mendoza para higit niyang maintindihan ang motibo ng Filipino hostage-taker.

Naniniwala si Noor na mapanganib si Mendoza pero totoong tao ito.

Shahronizam Noor  as Rolando Mendoza
Malaysian actor Shahronizam Noor plays Filipino hostage taker Rolando Mendoza in 823 Hostage Crisis
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang naulilang pamilya ni Mendoza tungkol sa pelikulang tiyak na muling magbabalik sa kanila ng malulungkot na alaala.

Hinihintay rin ang magiging reaksiyon ng mamamayan ng Hong Kong kapag napanood nila ang pelikulang tumatalakay sa isang pangyayaring kanilang lubos na ipinagluksa noong 2010.

Naging ugat din ito ng malalim na tampo ng mga taga-Hong Kong sa mga Pilipino kaya pormal na humingi ng paumanhin noon ang pamahalaan ng Pilipinas.

Read: Manuel Chua, iniuugnay sa bagong kumakalat na video scandal

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaysian actor Shahronizam Noor (left) portrays former Filipino police officer Rolando Mendoza (right) in 823 Hostage Crisis, a film based in 2010 hostage taking at Quirino Grandstand where eight Hong Kong tourists were killed. Mendoza was also killed by a sniper.
PHOTO/S: YouTube / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results