Naghatid ng karangalan sa Pilipinas ang U.S.-based at former X Factor Philippines finalist na si Mark Mabasa nang magtanghal siya sa ASEAN Rhythms: A Cultural Celebration.
Ginanap ang event sa Northwest Campus Auditorium ng University of California, Los Angeles, USA, noong Sabado, Abril 25, 2026.
Nakuha ni Mark ang paghanga ng mga kinatawan mula sa Indonesia, Malaysia, Myanmar, at Thailand nang awitin niya ang "Babalik Ka Rin" at "Heal The World."
Bilang kaisa-isang Pilipinong singer na inimbitahan na magtanghal sa ASEAN Rhythms, pagmamalaki ang naramdaman ng mga kababayang naroon nang makisabay kay Mark sa pagkanta ng "Heal The World" ang ASEAN delegates.
Itinuturing nilang isang "glorious moment" ito para sa Pilipinas.
Napatunayan din nilang higit pa sa pagkanta ang ipinamalas ni Mark dahil naging simbolo ito ng koneksiyon at pag-asa, lalo na ngayong maraming kaguluhang nangyayari sa buong mundo.
Read: Matty Juniosa nakamit ang second golden buzzer; pasok na sa grand finals ng Britain's Got Talent

MARK MABASA REPORTEDLY RECEIVED THE LOUDEST CHEERS
Ayon sa mga nakasaksi, si Mark ang tumanggap ng pinakamalakas na palakpak mula sa mga dumalo sa nabanggit na okasyon.
Ikinagulat daw ito nang husto ni Mark dahil kahit Tagalog ang kantang inawit niya, nagustuhan at tila naintindihan ito ng manonood.
“Representing the Philippines at Rhythms of ASEAN 2026 was both an honor and a privilege especially since I was chosen by the Philippine Embassy in Los Angeles.
“Sobrang saya ko knowing na kahit hindi naiintindihan ng ibang mga tao yung lyrics ng Tagalog song ko, na-appreciate pa rin nila yung performance ko despite our differenct cultures and languages.
“At the same time, I felt nervous and pressured because once you step onto the stage, dala mo yung pangalan ng bansa mo.
“What made the experience even more special was hearing the host say na every time I step onto the stage, biglang nagiging alive and energetic yung crowd,” pahayag ni Mark sa Cabinet Files.
Pinili raw ni Mark na awitin ang "Babalik Ka Rin" dahil alam niya ang pakiramdam ng mga Pilipinong naninirahan sa Amerika at nangungulila sa Pilipinas.
Higit sa lahat, may personal na dahilan si Mark kaya may personal at espesyal na puwang sa kanyang puso ang lyrics ng kanta na orihinal na inawit ni Gary Valenciano.
Read: Enrique Gil sheds light to rumored transfer from ABS-CBN to GMA in 2022