Ang teaser tungkol sa pagbabalik ng Wowowin sa telebisyon na inilabas ni Willie Revillame ang pinagmulan ng mga espekulasyong muling mapapanood ang kanyang programa sa GMA-7 o sa sister channel nito.
Makikita sa teaser ang logo ng puso, na alam ng lahat na official logo ng GMA-7, at ang mensaheng “Nakaka-miss makasama kayo."
Ito ang naging basehan ng mga haka-haka tungkol sa posibilidad ng pagbabalik ni Willie sa Kapuso network, na naging tahanan ng kanyang programa mula Mayo 10, 2015 hanggang Abril 5, 2023.
Noong Lunes, Abril 27, 2026, ibinalita ni Willie na kanyang online game show na Wilyonaryo ang pagwawakas nito sa Mayo 15.
Kasunod nito ang anunsiyong nakatakdang pagbabalik ng Wowowin.
Saad ni Willie: “Magbabalik na po ang programang Wowowin. Tuluy-tuloy na po ang saya ng bawat Pilipino!
“Para malaman ninyo po, inaayos na po ang ating studio.
"Lahat ng gustong makapiling kami araw-araw, Lunes hanggang Biyernes, tuluy-tuloy na po.
"Bigyan niyo lang kami ng pagkakataon, ilang oras, ilang panahon, at magsasama-sama tayo ulit.
“Hanggang May 15 na lang po ang Wilyonaryo dahil magiging online gaming na po ang Wilyonaryo.
"Out na po ako diyan. Ibabalik ko na po ang Wowowin.
“Ibinigay na po namin ang inyong hiling, ibinigay na naman ang inyong gusto.
"At lahat po ng aming ipinangako, gagawin namin yan."
Hindi muna nagbanggit ng TV channel na lilipatan o babalikan ng Wowowin.
“Anong channel? Abangan niyo po yan! Wowowin will be back this coming May.
"Bigyan nyo lang kami ng konting panahon. Inaayos lang po namin ang aming studio.
"Aaminin ko sa inyo, bumili ako ng bagong studio para sa inyo!” sabi ng beteranong TV host.
Read: Willie Revillame explains why Wilyonaryo will not air on TV5
WILLIE REVILLAME ON WHY HE DECIDED TO END WILYONARYO
Bago nag-anunsiyo si Willie tungkol sa pagbabalik ng Wowowin sa telebisyon, nagkuwento muna siya tungkol sa mga dahilan ng kanyang desisyong tapusin na ang Wilyonaryo.
Lahad niya: “Hanggang May 15 na lang po ang programang Wilyonaryo. Magpapaalam na kami sa Wilyonaryo.
"Para alam ninyo lang, we only have fifteen days to go.
“Mahihinto na po ang Wilyonaryo. Ganoon talaga.
"Alam ninyo kung bakit? Kasi ho, magko-concentrate na ang Wilyonaryo sa online gaming.
"Hindi na siya puwedeng ipalabas. Katulad niyan, hindi niyo kami napapanood sa Facebook, sa YouTube.
“Ang Wilyonaryo po, wala na sa isang noontime show. Hanggang May 15 na lang po kami."
Pagpapatuloy ni Willie: "Bakit tayo magkukunwari? Kung ano yung totoo, sasabihin natin. Lahat ng katotohanan, sabihin natin.
“Una, hindi kami pinapasukan ng commercials. Alam nila na may gaming.
"Ako naman, gumagawa lang ng paraan at mag-isip kung papaano kayo manalo.
“Lahat ng business, hindi naman puwedeng paubos ka nang paubos ang pera.
“Ganoon talaga, minsan may isinasara. Meron din binubuksan.”
Read: Manuel Chua, iniuugnay sa bagong kumakalat na video scandal
WOWOWIN TO RETURN TO GMA-7?
Kaunod nito ang pagpapakita niya ng nakakaintrigang comeback teaser ng Wowowin at ang mga eksenang kuha sa harap ng GMA Network studios, tulad ng mahabang pila noon ng mga manonood sa kanyang dating programa sa Kapuso Network.
Dahil dito, lalong nagpalakas sa mga hinala na babalik siya sa nabanggit na television station.
Pahayag ni Willie: “Every day ganyan po ang pila sa programang Wowowin, Monday to Friday.
“Yung mga vendor na kumikita araw-araw. Nagbebenta ng buko, fishballs. Nabibigyan natin ng kabuhayan dahil kumikita sila diyan.
"Nagbebenta ng pins, dekorasyon sa ulo, T-shirts. Nagkaroon po ng business diyan, sa araw-araw sa GMA-7.
“2015, nagsimula po ang Wowowin sa GMA-7 and then, medyo alam ninyo na, tumulong ako sa All TV na hindi naman kami naging successful. Alam nyo naman yun, e."
Aniya pa: "Huwag kayong magsasabi ng 'laos ka na, laos ka na.'
"Wala hong nalalaos sa kabutihang puso at kapag ikaw ay tumutulong.
"May programa man ako o wala, e, tuluy-tuloy dapat ang kabutihan na ginagawa."
Read: Meralco, ipinaliwanag ang mga singil sa electricity bill