PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ngongo role ni Jerald Napoles, nagbabalik sa bagong pelikula

Miss Granny at Ang Babaeng Walang Pakiramdam, muling ipapalabas sa sinehan.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
herald napoles ngngo
Jerald Napoles reprises his “Ngongo” role, first introduced in Ang Babaeng Walang Pakiramdam, in the film Love, Ngo.
PHOTO/S: Viva Films

Simula sa Mayo 6, 2026, at bilang pagdiriwang sa Araw ng mga Ina sa Mayo 10, muling ipalalabas ng Viva Films sa mga piling sinehan ang Philippine adaptation ng South Korean movie na Miss Granny na pinagbidahan ni Sarah Geronimo.

Walong taon na ang nakalilipas buhat nang magbukas at itanghal sa mga sinehan noong Agosto 22, 2018 ang Miss Granny, isa sa dalawang huling acting projects ni Sarah na matagal nang hindi gumagawa ng pelikula.

Nagwagi si Sarah ng best actress award sa 35th PMPC Star Awards for Movies dahil sa karakter na ginampanan niya sa Miss Granny.

Nanalo namang Best Song sa 67th FAMAS Awards at 32nd Awit Awards ang "Isa Pang Araw," ang makabagbag-damdaming theme song ng pelikula.

Read: Joey de Leon, binatikos ng loyal Kapamilya fans dahil sa "wala na nga yung abs" joke

miss granny poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NGNGO RETURNS

Hindi lamang ang Miss Granny ang muling mapapanood sa mga sinehan.

Nakatakda ring magkaroon ng theatrical release ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam, ang comedy film na pinangunahan ng reali-life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles.

Hindi pa naipalalabas sa mga sinehan ang critically-acclaimed movie nina Kim at Jerald na ginawa sa panahon ng coronavirus pandemic noong 2020.

Napanood lamang sa Vivamax streaming site simula noong Hunyo 11, 2021 ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam, na nagpasikat kay Ngo, ang karakter na binigyang-buhay ni Jerald.

Ang popularidad at ang nagmarka sa taong karakter ni Ngo ang instrumento kaya binigyan si Jerald ng solo movie, ang Love, Ngo, na mapapanood sa mga sinehan sa Hunyo 3, 2026.

Mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap ang Love, Ngo, na meron nang 50 million views buhat nang ilabas noong Abril 26, 2026 ang scene drop ng pelikula, ang kinaaaliwang eksena nina Jerald at Candy Pangilinan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Pageant kings Kenneth Cabungcal and Kenneth Marcelino reveal their real score

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles reprises his “Ngongo” role, first introduced in Ang Babaeng Walang Pakiramdam, in the film Love, Ngo.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results