Komportable na si Rio Locsin sa pagsasalita tungkol sa dati niyang asawa, ang aktor na si Al Tantay.
Sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, Abril 28, 2026, siabi ng beteranang aktres na hindi niya alam na magkasama sila ni Al sa Master Cutter, ang primetime action series ng GMA-7 na mapapanood simula sa Mayo 11, 2026.
Ayon kay Rio, nagulat siya nang makita niya si Al sa set ng Master Cutter dahil walang nagsabi sa kanyang cast member din ang ama ng mga anak niya.
Lahad ng aktres: “Nagkita nga kami sa taping ng Master Cutter. Nagulat lang ako kasi hindi naman nila nasabi. But, of course, bumati naman ako.
“Hindi kami nag-uusap na nagtatawagan, nagte-text. Pero when we see each other, nagbabatian kami.”
Sina Rio at Al ay nagkasama noon sa ilang pelikula gaya ng Kambal Sa Uma (1979) at Bedspacers (1979).
Ikinasal sila noong early '80s ngunit nagkahiwalay rin makalipas ang ilang taon.
Mayroon silang dalawang anak na babae.
Read: Mayor Vico Sotto to teach at a university after his term ends in 2028

RIO LOCSIN ON CA-PARENTING WITH AL TANTAY
Tanong ng host na si Boy Abunda kay Rio, “Do you co-parent?”
Sagot ng aktres, “Parang nung mga unang panahon, parang hindi masyado.”
Humingi sa kanya ng paumanhin si Boy at sinabing, “I understand. Sorry, that made you uncomfortable.”
Dagdag naman ni Rio, “Saka naman yung mga anak ko, hindi naman niya pinabayaan.
"Ibig sabihin, kapag mga special occasion, nakikita niya. Inilalabas niya."
Hindi na raw nagpaliwanag si Rio sa mga anak nila ni Al dahil naiintindihan umano ng mga ito ang sitwasyon.
Nabanggit ni Rio na nagkaroon noon ng interes ang kanyang mga anak pumasok sa showbiz, pero hindi siya pumayag.
Paliwanag niya: “Kasi ako, hindi ako nakatapos ng college. Hanggang high school lang ako.
"Gusto ko yung mga anak ko, kapag meron silang natapos, magiging proud sila sa na-accomplish nila, sa achievements nila.
“Malaking bagay yung may pinag-aralan ka. E, kapag nag-artista sila, mag-e-enjoy sila kasi kumikita na sila. Hindi na mag-aaral.
“Kahit pa sabihin na, ‘Hindi, babalikan ko [ang pag-aaral],' hindi na babalikan yan.
“Masarap kumita ng pera. Masarap gumastos ng sarili mong pera, kaya yun ang in-instill ko sa kanila. Mag-aral na mabuti at maka-graduate.
“Siguro after maka-graduate. Ang kaso, medyo may edad na. Iba na.”
Read: Pageant kings Kenneth Cabungcal and Kenneth Marcelino reveal their real score
RIO LOCSIN LAUNCHED IN THE BLOCKBUSTER MOVIE DISGRASYADA
Menor de edad lamang si Rio nang mag-umpisa ang showbiz career bilang isa sa mga dancer sa Burlesk Queen, ang kontrobersiyal na pelikula ni Vilma Santos noong 1977.
Ang Disgrasyada ng Regal Films ang launching movie ni Rio. Ipinalabas ito sa mga sinehan noong Enero 12, 1979.
Gumawa ng kasaysayan sa box office ang Disgrasyada dahil pinilahan ito ng manonood, at kumita ng isang milyong piso sa unang araw na pagtatanghal sa mga sinehan.
Sa panayam ng DZRH sa kanya noong Enero 13,1979, ipinarating ni Rio ang pasasalamat sa lahat ng mga tumangkilik sa unang pagbibida niya sa pelikula.

Immortalized si Rio sa "Langit na Naman," ang hit song ng Hotdog band dahil pa rin sa tagumpay ng Disgrasyada.
“Hindi ipagpapalit kahit kay Rio Locsin” ang isang linya sa lyrics ng "Langit na Naman."
Kasama ang kanta sa official soundtrack ng Annie Batungbakal, ang romantic-comedy movie ni Nora Aunor na ipinalabas naman sa mga sinehan noong Setyembre 14, 1979.
Para sa kaalaman ng mga kabataan ngayon, isa si Rio sa mga pinakasikat na sexy actress noon na nagtataglay ng magandang mukha at nagbibida sa mga pelikula.

Nakatrabaho niya ang mga mahuhusay na direktor gaya ni Celso Ad, Castillo at ng mga National Artist for Film and Broadcast Arts na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal.
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date