PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljon Mendoza raises alarm over worsening flooding in Macabebe

Sementeryo sa Macabebe, tuluyan nang naglaho dahil sa walang tigil na baha.
by Jojo Gabinete
Published 2 days ago
aljon mendoza macabebe flood
Aljon Mendoza shares a heartbreaking reality in Macabebe, Pampanga, where floods don’t just disrupt lives, they erase resting places of the dead.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Wala nang All Saints' Day sa Macabebe, Pampanga, dahil wala na ang public cemetery sa kanilang bayan.

Ito ang rebelasyon ng dating Pinoy Big Brother (PBB): Otso housemate na si Aljon Mendoza nang makausap siya ng Cabinet Files.

Malapit sa sementeryo ang tahanan ni Aljon at ng kanyang pamilya sa Macabebe.

Ayon sa 24-year-old actor, naglaho na ang pampublikog sementeryo dahil sa hindi na nalutas na problema sa baha na tumatagal ng hanggang pitong buwan.

Hinihinalang resulta pa rin ito ng “ghost” flood control projects.

Noong Agosto 7, 2024, pinangunahan ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon sa Pampanga ng flood control project na nagkakahalaga ng PHP7 billion, bilang solusyon sa pangmatagalang pagbaha sa mga bayan ng Macabebe, Masantol, Minalin, at Sto.Tomas.

Sa kasamaang-palad, hindi na nawala ang baha sa Macabebe kahit hindi umuulan.

Read: Philippine Flood Control Corruption: A Timeline

ALJON MENDOZA ON CLOSED CEMEMTERY

Bilang katabi ng sementeryo ang bahay nila, personal na nasaksihan at may kumpletong kaalaman si Aljon tungkol sa mga namayapang tuluyan nang nakalimutan dahil nawasak at tuluyan nang naglaho ang kanilang mga himlayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Aljon: “Wala na po [ang sementeryo]. Yung sementeryo sa amin, tabi po kami ng sementeryo, sarado na po.

"Yung mga nakalibing dun, wala na rin.

“Yung ibang nakalibing po, dinecide ng pamilya na ilipat sa ibang mga sementeryo.

"Merong mga nakasako. Yung iba, forgotten,”

Tinanong ng Cabinet Files si Aljon tungkol sa mga ikinabubuhay ng kanyang mga kababayan sa Macabebe.

“Yung iba po, marami ang nangingisda sa amin. Marami pong isda sa amin kahit baha.

“Tapos may mga nagbabangka po. Parang ang nawalan po ng hanapbuhay, yung mga tricycle driver,” sagot niya.

Paano ang pag-aaral ng mga kabataan sa kanilang bayan?

“Yung iba, nag-o-online class pero hindi naman lahat afford ang Internet, gadgets, kaya medyo challenge.

“Matagal nang bumabaha, pero dati po kasi, mga two weeks lang ang tagal tapos naging one month. Ngayon, parang seven months nang binabaha.

“Sa pagkakatanda ko, bata pa lang ako bumabaha na. Ikinuwento ko pa po yan sa audition ko sa PBB.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Wala pong improvement. Mas lumalala pa po talaga,” sabi ni Aljon.

Read: Aljon Mendoza parts ways with Star Magic after seven years

FLOODING IN PAMPANGA: A WAY OF LIFE

Naramdaman daw ni Aljon na sa kabila ng malaking problema sa pagbaha sa kanilang bayan, ayaw itong iwanan ng kanyang mga magulang.

"May attachment sa bahay namin," pakli niya.

Malaking pangamba rin ang hatid ng nakapanglulumong sitwasyon sa kalusugan ng mamamayan ng Macabebe dahil sa leptospirosis, na isa raw sa mga alalahanin ni Aljon.

“Dun po sa amin, ang lagi naming sinasabi, e, sanay na kami [sa baha]. Pero siyempre nakakatakot pa rin,” kuwento niya.

Naranasan daw ni Aljon na gumising at bumangon mula sa kanyang kama na lubog agad ang binti niya sa tubig-baha na pumasok sa loob ng bahay nila.

Isa sa mga pangarap ni Aljon ang makagawa ng documentary tungkol sa miserable at nakalulungkot na kalagayan ng mga residente ng Macabebe dahil sa malawak na pagbaha na matagal na nilang pinagdurusahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay para maiparating daw niya sa lahat ang kanilang mga hinaing.

“Itutuloy ko na rin po finally ang paggawa ng documentaries. Nasimulan ko na three years ago.

"And this time, mas ready na akong mag-dive sa paggawa at pag-cover ng mga istorya ng totoong buhay.

“Actually, one night sa isang dinner, nakita ko si Atom Araullo, pero I did not have the chance to say hi to him.

"He's one of my inspirations pagdating sa documentaries," pagtatapat ni Aljon.

Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljon Mendoza shares a heartbreaking reality in Macabebe, Pampanga, where floods don’t just disrupt lives, they erase resting places of the dead.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results