Nagbitiw na si Saleema Refran sa kanyang tungkulin bilang news reporter ng GMA Integrated News makalipas ang labinlimang taong paglilingkod sa Kapuso Network.
Nagretiro si Saleema sa serbisyo dahil tinanggap niya ang alok para maging Public Information Officer ng Office of the Ombudsman.
Ngayong Huwebes, Abril 30, 2026, ibinahagi ni Saleema sa kanyang Facebook page ang mensahe ng pagpapaalam at pasasalamat.
SALEEMA REFRAN LEAVES GMA NEWS FOR OMBUDSMAN POST
Nakasaad dito: "It is with a grateful heart that I end my 15 years as a Kapuso.
"Maraming nakilala. Maraming kwentong naibalita at higit sa lahat, maraming aral sa bawat storya.
“Isa sa pinakamalaking karangalan ng aking buhay ang maging Kapuso at maging bahagi ng pinakamatikas at pinaka-pinagkakatiwalaang pwersa sa pagbabalita.
"The past weeks have been a blur—of tears, laughter and happy memories.
“Sa tech boys and ROCs na unang nagpaiyak sa akin sa pagpapaalam, maraming salamat sa buong pusong serbisyo.
"Sa bawat pagharap natin sa mga bagyo, lindol, pagputok ng bulkan at hamon ng pandemya, umeere tayo sa tulong ninyo.
“Sa mga cameraman at mga assistant cameraman na nakasangga ko sa bawat storya at sa mga pagsubok na kasama ng mga ito, maraming salamat.
"Walang 'ako' kung wala kayo. Ang bawat storya ko nabubuhay dahil sa galing, tiyaga at sipag ninyo.
“Sa Kapuso reporters and anchors, maraming salamat sa pag-gabay at pagsuporta. Salamat sa pagtulong sa mga exclusive, sa pagdamay sa bawat paghihirap at sa pakikibaka sa bawat hamon ng pagbabalita.
“Sa lahat ng mga nakatuwang sa loob at labas ng newsroom, mula sa newsdesk hanggang sa production, walang hanggang pasasalamat.
“Sa mga sumubaybay sa aking karera, salamat po sa panonood at pagtitiwala sa akin sa nakalipas na 15 taon. Hindi po nagtatapos dito ang aking pagseserbisyo.
“No goodbyes, just see you around—sa kabilang gilid na nga lang ng EDSA. At opo, ginalaw ko na po ang ulo ko.”
Read: EJ Gomez: from GMA Gala to sunog real quick
EMIL SUMANGIL HAPPY FOR SALEEMA REFRAN
Noong Abril 25 nay ag-post ang 24 Oras anchor na si Emil Sumangil ng larawang kuha mula sa kanilang salu-salo, kasama ang anchors at reporters ng GMA Integrated News, para kay Saleema.
Dito ay ipinahiwatig ni Emil na lilisanin na ni Saleema ang GMA News para ipagpatuloy ang "Serbisyong Totoo" sa "ahensya ng gobyerno" na pupuntahan nito.
Caption ni Emil (published as is): "God be with you, Sam - Saleema Refran.
"Sa kwento mo, masaya ako sa pasya mo.
"Paki tuloy mo lang ang #SerbisyongTotoo sa ahensya ng gobyerno na pupuntahan mo.
"Salamat sa pagtanggap"
Hindi na mapapanood si Saleema bilang tagapaghatid ng balita ng GMA News, pero masisilayan pa rin ng publiko sa mga press briefing ng tanggapan ng Ombudsman na hindi kalayuan sa GMA Network ang gusaling kinatatayuan.
Read: News reporters, pumukaw ng atensiyon sa gitna ng bagyong Uwan