Humagulgol ng iyak si Wilbert Ross nang makarating sa kaalaman nitong old-out sa loob lamang ng labinlimang (15) minuto ang tickets para sa WRten by Wilbert Ross.
Ito ang unang major concert niya na itatanghal sa New Frontier Theater, Araneta City, Cubao, Quezon City, sa Hulyo 25, 2026
Hindi makapaniwala si Wilbert sa himalang nangyari sa kanyang buhay nitong Huwebes, Abril 30.
Kahit umiiyak, kinunan niya ng video ang sarili para pasalamatan ang mga bumili ng tickets.
“Gusto ko lang i-video ang sarili ko kasi na-sold out yung concert ko ng 15 minutes.
"Hindi ko ine-expect kasi grabe ang anxiety ko for the past weeks.
"Hindi ko alam kung makakaya ko bang mapuno yung NFT [New Frontier Theater] for two thousand people.
“Parang natatakot ako kasi siyempre nakakahiya for the producers.
"Biglang sinabi sa akin na sold-out na siya in fifteen minutes, and nandito ako sa bahay kasi sobrang sakit ng ulo ko dahil sa migraine,” umiiyak na testimonya ni Wilbert sa video na ibinahagi niya sa publiko dahil sa mahirap masukat na kaligayahang kanyang nararamdaman.
Read: Aljon Mendoza raises alarm over worsening, unresolved flooding in Macabebe
Pagpapatuloy niya: “Grabe. Gusto ko lang i-video ang sarili ko. Hindi ko alam kung lalabas ito hindi, but I’m so thankful lang talaga na finally…
“Sabi ko nga, ’Lord, kahit ma-sold out lang ito kahit ilang araw. Basta ma-sold out lang siya.'
"Kasi alam ko baka hindi na ako magkaroon uli ng tsansa na mag-concert nang ganito.
“Kahit ito lang, pang-one time. I am so thankful sa lahat ng mga taong sumusuporta sa akin.”
Dininig ng Diyos ang kanyang panalangin kaya nakatitiyak nang magiging tagumpay ang kanyang kauna-unahang concert, na magsisilbi rin bilang pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ng showbiz career niya.
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date
WRTEN BY WILBERT SOLD OUT
Ang Viva Artists Agency at ang Viva Live ang mga producer ng WRten by Wilbert.
Sa pamamagitan ng isang social media post, kinumpirma ng Viva Live na sold-out na ang tickets para sa anniversary concert ng singer-actor.
“The response has been legendary. In record time, every single seat for WRten by Wilbert Ross has been claimed.
“A massive thank you to everyone who secured their tickets to witness this 10-year evolution. The stage is set, the house is full and the countdown to July 25 is on!”