Ang model at pageant winner na si Andre Cue, 22, ang nakapagbigay-linaw sa misteryoso at matagal nang palaisipang lion head watermark na makikita sa mga video scandal ng mga nabiktimang male celebrity.
Read: Andre Cue, umamin sa kinasasangkutang video scandal
Si Andre at ang aktor na si Ron Angeles ang dalawa sa mga dumaraming bilang ng mga biktima ng video scandal.
Pinaghihinalaang kagagawan ito ng sindikato.
Sabay na nakapanayam sina Andre at Ron sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, Abril 30, 2026.
Ipinaliwanag ni Andre kung bakit mukha siyang balisa sa intimate video na kumalat sa social media noong Marso 2026.
Base sa video, tingin siya nang tingin sa telebisyon habang nagtatalik sila ng babae, na palihim palang kinunan ng video ang kanilang mga ginagawa.
"Nagdududa po ako dun sa may TV po na may sticker na lion. Yung TV na box siya, old type na TV, tapos may sticker na lion.
"Dun ako nawi-weirduhan kasi bakit may sticker yung TV," kuwento ni Andre, na halatang kinakabahan sa panayam ni Boy.
Ang testimonya ni Andre tungkol sa lion head sticker ang sagot sa mga katanungan tungkol sa lion head watermark sa lahat ng mga video scandal na lumitaw.
Read: Vice Ganda calls to end victim-blaming in male celebs' scandal
ANDRE CUE ON PEOPLE'S REACTION, LESSONS LEARNED
Nag-aaral sa probinsya si Andre at lumuluwas lamang ito sa Maynila kapag may trabaho.
Ano ang reaksiyon ng mga kakilala at kaibigan niya matapos kumalat ang maselang video niya?
"Ang napansin ko po sa mga tao around me, nagbibigay po sila ng respeto," sagot ni Andre.
Hindi raw siya nakaranas ng pambabastos mula sa mga ito.
May mahalagang aral siyang natutunan mula sa kanyang traumatic experience.
"Ang pinakaimportante po siguro, acceptance po. Yung ang pinakaimportante para sa akin.
"Acceptance about sa nangyari po kasi without acceptance, growth won’t be possible po, and sa acceptance ko po nahanap yung peace, at saka sa growth ko po [dahil] nahanap [ko] yung purpose ko po,” ani Andre.
Read: Jayden Fernandez, umaming may video scandal; nag-sorry sa partner
RON ANGELES WORRIED ABOUT SYNDICATE INVOLVED IN SCANDAL
Nagpahayag naman ng pangamba si Ron Angeles sa posibilidad na may nagmamanman sa kanyang bawat galaw.
Read: Who is Ron Angeles?
Dahil gaya ni Andre, naniniwala siya na may sindikato sa likod ng babaeng nakapiling nila sa panandaliang kaligayahan na naghatid sa kanila ng trauma at kahihiyan.
Sabi ni Ron: "Oo naman po, hindi lang para sa akin kundi para rin sa pamilya ko at sa mga mahal ko sa buhay.
"Na kung minamanmanan man nila ako, siyempre, lahat ng galaw ko, binabantayan nila.”
Aminado si Ron na nakakaramdam siya ng takot at anxiety dahil hindi pa matukoy ang may kagagawan ng mga kumakalat na video.