Napansin, nagkaroon ng ingay, at nag-viral sa social media ang swimwear competition ng Mister Pampanga 2026 noong Abril 19, 2026, dahil sa partisipasyon ni former Star Hunt at BGYO trainee Richard Jermaine "RJ" Perkins.

Nakuha ni RJ ang atensiyon ng media—both local at international.
Nagkaroon siya ng mga television guest appearances at interviews dahil sa pagsulong niya sa body positivity.
Binali ni RJ ang stereoptype na dapat ay maskulado ang pangangatawan ng mga male pageant contestants.
Kaya marami ang humanga sa pagsali at pagrampang ginawa niya sa Mister Pampanga 2026.
Sa kabila ng malakas na ingay na nilikha ng paglahok niya, hindi kasama si RJ sa tatlong kandidato na binigyan ng special award na Media Favorites sa preliminary competition na idinaos ngayong Linggo ng hapon, Mayo 3, sa SM City Event Center, Mexico, Pampanga.
Marami ang nagtaka at nagtanong considering na maraming beses siyang nag-trend at nag-viral sa social media.
Sa kabilang banda, Rank 1 siya sa Top 5 "highest voted" candidates as of April 28.

top 5 LOCAL COSTUME in MISTER PAMPANGA 2026
Muling nasilayan ng publiko si RJ nang rumampa ito sa entablado para sa Local Costume competition.
Ang disenyo ni Santino Rivera ay hango sa tatlong feasts na siniselebra ng Angeles City: ang Santo Angel Custodio, Our Lady of the Most Holy Rosary of La Naval, and Our Lord of Mercy.
Sa 22 candidates na kumakatawan sa mga bayan at siyudad sa Pampanga, lima ang piniling maglalaban para sa Best Local Costume—ang mga official representatives ng Sto.Tomas (Aj Lacson), Minalin (Gef dela Rama), Magalang (Samuel Surry), Sta. Rita (Alvin Bautista), at Masantol (Josh Gonzales).
Lahat ay crowd favorites.
Malalaman sa gabi ng koronasyon ng Mister Pampanga 2026 sa Mayo 9, sa Eastgate Convention Center, San Fernando, ang Best Local Costume winner at Mister Pampanga 2026 winner.
Read:
NETIZENS REACT: Hard-to-miss moments at Miss Universe Philippines 2026