PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Thomas Markle Sr. back to U.S.; leaves Pinay girlfriend behind?

For good?
by Jojo Gabinete Additional details: Karen Pagsolingan
Published 5 hours ago | Updated 11 hours ago
thomas markle sr and rio canedo
After a year of staying in Cebu, Thomas Markle Sr., father of Meghan Markle, has flown back to the U.S. What will happen to his relationship with Pinay nurse Rio Canedo?
PHOTO/S: Daily Mail on Facebook

Lumipad pabalik sa U.S. si Thomas Markle Sr. noong Biyernes, Mayo 1, 2026.

Si Markle Sr. ang kontrobersiyal na ama ni Meghan Markle at father-in-law ni Prince Harry.

Ayon sa ulat ng Daily Mail reporter na si Caroline Graham noong Mayo 2, ang pakay ng biyahe ni Markle Sr. ay para sa fitting ng state-of-the art prosthetic limb.

Sa panayam ni Graham sa panganay na anak na si Samantha, half-sister ni Meghan, sasailalim daw sa "ongoing medical care" ang kanyang ama.

"He will be able to get the best prosthetics here and be surrounded by friends and family to support him."

Read:

NETIZENS REACT: Hard-to-miss moments at Miss Universe Philippines 2026

Matet de Leon confronts basher: “Ano ba kasalanan namin sa inyo?

WHAT HAPPENS TO THOMAS MARKLE SR. and his PINAY GIRLFRIEND?

Paano na kaya ang Filipina nurse girlfriend ni Markle Sr. na si Rio Canedo?

Ayon pa rin kay Graham, si Canedo mismo ang naghatid kay Markle Sr. sa airport.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umaasa ang 81-year-old dad ni Meghan na madadalaw siya sa U.S. ng kanyang 46-year-old girlfriend, na siyang nag-alaga sa kanya nang maratay sa ospital.

Si Canedo raw ang nagkumbinsi sa kanyang magbawas ng timbang at subukang maglakad ulit.

Naging madamdamin umano ang pagpapaalam ng couple, na nangakong mag-uusap madalas sa pamamagitan ng Facetime.

Si Thomas Markle Sr. ay twice-divorced American at may tatlong anak. Taong 1987 noong naghiwalay sila ni Doria Ragland, ang ina ni Meghan.

Si Rio ay hiwalay din sa asawa at may dalawang anak.

THOMAS MARKLE SR.: HIS STAY IN THE PHILIPPINES

Isang taong nanirahan si Markle Sr. sa Cebu, kung saan in-amputate ang kanyang left leg dahil sa "dying tissue" noong Disyembre 2025.

Sa mga previous reports, abot-abot ang pasasalamat ng dating Hollywood lighting director sa mga Filipino doctors at nurses na nagligtas sa kanyang buhay at nag-alaga sa kanya.

At that time, lumipad din sa Pilipinas si Graham para madalaw ang dad ni Meghan na sumailalim noon sa three-hour surgery.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang British reporter din ang nag-break ng story, noong huling linggo ng Marso, na in a relationship si Markle Sr. sa kanyang Pinay nurse.

Samantala, hindi pa rin nakikilala ni Markle Sr. ang mga anak nina Meghan at Prince Harry,

Naging malaking balita ang estranged relationship ng mag-ama noong ikinasal ang Hollywood actress taong 2018. Simula noon, hindi pa raw sila nagkikita.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After a year of staying in Cebu, Thomas Markle Sr., father of Meghan Markle, has flown back to the U.S. What will happen to his relationship with Pinay nurse Rio Canedo?
PHOTO/S: Daily Mail on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results