PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sexy female star to headline film inspired by video scandals

One of the male celebs in video scandal to also star in the film.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
sandal queen composite image
A new film titled Scandal Queen will explore the viral video scandal involving male celebrities, with one real-life victim joining the cast and sharing his story.
PHOTO/S: Chat GPT

Scandal Queen ang working title ng pelikulang pagbibidahan ng isang sexy female star.

May kinalaman ang proyekto sa mga kontrobersiyal na video scandal na nambiktima sa mga male celebrity gaya nina Arron Villaflor, Nikko Natividad, Gil Cuerva, Ron Angeles, Nikko Locco, at Andre Cue.

Kasama sa cast ng pelikula ang isang aktor na sangkot din sa video scandal. Halaw sa kanyang mga personal na karanasan ang kuwento ng pelikula.

Scandal Queen ang pamagat ng pelikula dahil lumikha ng malaking eskandalo ang hindi pa nakikilalang babae.

Palihim na kinunan ng video ng babae ang pakikipagtalik niya sa mga aktor, na walang kamalay-malay na may hidden camera na nakatutok sa kanila.

Read: Aktor sa video scandal, nakaharap ang babaeng nambiktima sa kanya

SUSPECT, A SYNDICATE MEMBER?

Kumbinsido ang mga aktor na nabiktima na miyembro ng sindikato ang babaeng patuloy na pinaghahanap para panagutin sa krimeng kanyang ginawa.

Hindi pa natatagpuan o natutukoy ang kinaroroonan ng babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinaghihinalaang hindi tunay na pangalan ang ginamit ng babae nang magpadala siya ng mga mensahe sa social media accounts ng mga aktor na kanyang pinuntiryang biktimahin.

Ilan sa mga aktor ang nagtapat na nagbayad sila ng pera para huwag kumalat ang kanilang maselang video, pero inilabas pa rin ito ng mga nangikil sa kanila.

Ang mga tattoo sa katawan ang isa sa mga pagkakakilanlan sa babae.

Nagtatago at hindi na mahagilap ang babaeng ito mula nang sunud-sunod na kumalat ang mga video scandal dahil alam niyang patung-patong ang kaso na kanyang haharapin kapag naaresto siya.

Related Stories:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A new film titled Scandal Queen will explore the viral video scandal involving male celebrities, with one real-life victim joining the cast and sharing his story.
PHOTO/S: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results