PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ashtine Olviga expected to break Wilbert Ross' record

Is Ashtine Olviga's first major solo concert the star of her "solo era"?
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
ashtine olviga solo concert
Ashtine Olviga on her first major solo cobcert: “Sanay po ako before sa girl group. Sanay po talaga ako na laging may kasama. At ngayon na ginagawa ko ito, on my own, na kahit ako, hindi ako makapaniwala. Kumbaga, nakukuha ko po yung tiwala sa akin ng mga tao para maniwala po rin ako sa sarili ko. Nung nalaman ko po na magko-concert ako, pumasok na po agad sa utak ko na kailangan kong mag-train. Kailangan kong masanay sa pagod habang kumakanta at sumasayaw.”
PHOTO/S: Viva Artists Agency Facebook

Love Like Ashtine ang titulo ng first major concert ni Ashtine Olviga na itatanghal sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City, sa Agosto 22, 2026.

Nadagdagan ang kabang nararamdaman ni Ashtine sa sinasabi ng mga taong tiyak na mahihigitan niya ang naitala ni Wilbert Ross.

Sa kasaysayan ng New Frontier Theater, ang tickets para sa July 2026 concert ni Wilbert na WRten by Wilbert Ross ang fastest-selling dahil sold-out agad ito sa loob lamang ng labinlimang minuto.

Read: Wilbert Ross concert tickets, sold out sa loob ng 15 minutes

Marami ang naniniwalang si Ashtine ang babasag sa record ni Wilbert dahil siguradong susuportahan ng kanyang hukbo ng mga tagahanga ang Love Like Ashtine.

Balak sanang itanghal ang concert ni Ashtine sa Hunyo 2026, pero ipinagpaliban ito sa Agosto 22 dahil sa kahilingan ni Ashtine kay Boss Vic del Rosario Jr., ang founder ng Viva Entertainment at producer ng kanyang concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dapat nga po sa June, pero sabi ko kay Boss Vic, baka puwede po August.

"Kasi, para more time to prepare din and yung mini-album, gusto ko i-perform na sa concert,” paliwanag ni Ashtine tungkol sa binagong petsa ng solo show niya sa New Frontier Theater.

Itinuturing ni Ashtine na malaking karangalan na pinagkatiwalaan siya ni Boss Vic na magkaroon ng concert kaya taos-pusong pasasalamat ang kanyang mensahe.

Saad niya: “I feel honored po sa lahat ng mga natatanggap kong opportunities ngayon.

"And siguro, pressured in a good way, kasi parang naramdaman ko, lalo na tina-trust ako nina Boss Vic at Viva bosses, na kaya kong gawin yung ibang bagay po.

“Sanay po ako before sa girl group. Sanay po talaga ako na laging may kasama.

"At ngayon na ginagawa ko ito, on my own, na kahit ako, hindi ako makapaniwala.

“Kumbaga, nakukuha ko po yung tiwala sa akin ng mga tao para maniwala po rin ako sa sarili ko.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagpapatuloy ni Ashtine: “Nung nalaman ko po na magko-concert ako, pumasok na po agad sa utak ko na kailangan kong mag-train. Kailangan kong masanay sa pagod habang kumakanta at sumasayaw.”

Read: NETIZENS REACT: Hard-to-miss moments at Miss Universe Philippines 2026

IS THIS THE BEGINNING OF ASHTINE'S "SOLO ERA"?

May mga haka-haka na ang Love Like Ashtine ang hudyat ng “solo era” ni Ashtine kaya mabubuwag na ang AshDres loveteam nila ni Andres Muhlach.

Sinagot ni Ashtine ang isyu sa media conference ng kanyang concert na ginanap sa Viva Café, Cubao, Quezon City, ngayong Lunes, Mayo 4.

Paglilinaw ng actress-singer: “Ngayon po kasi, focus talaga kami sa individual projects po namin.

"Naka-set na po talaga sa mind ko before, kahit noong nagkaroon kami ng Mutya ng Section E., hindi ko naman po ine-expect na magkakaroon ng loveteam.

“Ang alam ko sa utak ko, 'Ah, pang-Mutya lang po talaga [ang loveteam].'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagkaroon lang po ng bonus and another blessing dahil po sa suporta na natanggap po namin mula sa fans.

“Sobrang thankful kami na nagkaroon kami ni Andres ng another movie para mapatunayan o maipakita po namin yung kakayahan namin sa acting.”

Ang tinutukoy na "movie" ni Ashtine ay ang Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna na ipinalabas noong 2025.

Positibo ang sagot ni Ashtine nang itanong kung gusto niyang “i-explore nang solo” ang kanyang showbiz career.

“Yes po. For growth din po and para ma-experience ko rin po yung iba-ibang mga bagay para mas mag-improve pa,” sagot ni Ashtine.

Read: Thomas Markle Sr. back in the U.S.; leaves Pinay GFd behind?

ashtine olviga andres muhlach minamahal
Ashtine Olviga and Andres Muhlach
Photo/s: @vivaartistsagency on Instagram / IdolPick
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALLEGED ONLINE BASHING BY ASHDRES FANS ON ANDRES

Hiningan din ng opinyon si Ashtine tungkol isyu ng online bashing diumano ng AshDres fans kay Andres.

“Siyempre, nalulungkot din po ako kasi gusto ko rin na happy si Andres.

"Nakikita ko rin yung efforts niya and na-appreciate ko rin yon,” reaksiyon ni Ashtine.

Apela pa niya sa publiko: “Kailangan talaga, hindi lang kay Andres, kahit kanino, na let’s be careful with our words.

"Kasi hindi natin alam kung ano yung pinagdadaanan ng iba’t ibang tao, sa personal life, kapag wala sa work.

“So I think, tayo na mismo yung magtutulungan para pagaanin ang buhay ng bawat isa.”

ASHTINE OLVIGA DENIES ISSUE WITH KAI MONTINOLA

Pinabulaanan ni Ashtine sa idinaos na press conference na may isyu siya kay Kai Montinola, ang Kapamilya actress-singer na pilit iniuugnay kay Andres.

“Wala po akong isyu,” walang paligoy-ligoy na salita ni Ashtine.

“I feel, like, naniniwala po ako na gusto ko yung mga ka-work ko or kahit hindi ko ka-work, parang magaan lang yung vibe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakapagod na yung trabaho and kapag hindi pa maganda yung vibe, mas nakakapagod.

"So, parang fresh lang tayong lahat. Na maganda yung aura, love love lang.”

Nang tanungin tungkol sa selos, umiwas si Ashtine.

"Ay, ayoko ng ganoon. Ako kasi, gusto ko talaga positive vibe lang.

"Kapag may mga ganoon, huwag na lang. Hindi ko na ie-entertain,” giit ni Ashtine.

May sagot din si Ashtine tungkol sa posibilidad na special participation ni Andres sa Love Like Ashtine.

“Ngayon po, hindi ko sure, pero kung gusto naman niya, why not? Hindi pa po talaga namin nagpaplanuhan kung sino ang mga guest.

"Pero kung gusto niya, welcome din naman po siya," sabi niya.

Read: Frontrunner Bea Windorski crowned Miss Universe Philippines 2026

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ashtine Olviga on her first major solo cobcert: “Sanay po ako before sa girl group. Sanay po talaga ako na laging may kasama. At ngayon na ginagawa ko ito, on my own, na kahit ako, hindi ako makapaniwala. Kumbaga, nakukuha ko po yung tiwala sa akin ng mga tao para maniwala po rin ako sa sarili ko. Nung nalaman ko po na magko-concert ako, pumasok na po agad sa utak ko na kailangan kong mag-train. Kailangan kong masanay sa pagod habang kumakanta at sumasayaw.”
PHOTO/S: Viva Artists Agency Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results