PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Liang expands Project Ngiti; free surgeries now nationwide

Ronnie Liang brings hope to more Filipinos through Project Ngiti.
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
ronnie liang project ngiti
Ronnie Liang brings hope to more Filipinos as Project Ngiti Foundation expands its free cleft lip and palate surgeries nationwide. From infants to adults, patients can now access life-changing procedures, therapy, and support—completely free.
PHOTO/S: Ronnie Liang Facebook

Pinalawig na ng Project Ngiti Foundation ni Ronnie Liang ang libreng operasyon para sa mga kababayan nating bingot o may cleft and lip palate.

Bukod sa Metro Manila, tinutulungan na rin nila ang mga may bingot na naninirahan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ipinaabot ni Ronnie ang magandang balita para makaabot sa mga residente ng Luzon, Visayas, at Mindanao ang libreng tulong nila.

Saad niya: “This is to create awareness tungkol sa pagtulong ng Project Ngiti Foundation sa lahat ng parte ng Pilipinas.

"Dati kasi, sa Metro Manila at Mega Manila lamang ang free surgeries dahil sa limited hospitals at surgeons.

“Ngayon, sa buong bansa na po. Good is good!”

Naisasakatuparan ni Ronnie ang proyektong ito dahil sa pakikipagtulungan ng Project Ngiti Foundation sa Smile Train at sa iba’t ibang mga ospital sa bansa.

Read: Frontrunner Bea Windorski crowned Miss Universe Philippines 2026

NOT ONLY FOR CHILDREN

Para sa kaalaman ng lahat, hindi lamang ang mga maliliit na bata ang tinutulungan ng Project Ngiti Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula dalawang buwan hanggang matanda ang edad ng mga pinaooperahan nila nang libre.

Saad ni Ronnie: “Free po sa lahat ng may cleft and lip palate, from two months old to 65 years old and above.

"Yung pinaka-recent patient namin was 56 years old.

“Free confinement, laboratory tests, surgery, and speech therapy. May free rhinoplasty.

“Yung surgery, free coverage hanggang tatlong beses para sa mga maliliit na bata dahil lumalaki ang mga mukha nila habang nagkakaedad.

"Kailangang bumalik sila para ma-check kung may dapat pa na ayusin.”

ronnie liang project ngiti
Ronnie Liang with two patients who recently underwent free cleft palate surgeries through Project Nigiti.
Photo/s: Ronnie Liang Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malaking ginhawa, lalo na sa mahihirap na may kapansanan, ang Project Ngiti ni Ronnie dahil nagkakahalaga ng PHP80,000 pataas ang operasyon sa cleft and lip palate.

HOW TO SIGN UP FOR FREE OPERATION

Para sa mamamayan sa Visayas at Mindanao na nais maoperahan nang libre sa pamamagitan ng Project Ngiti Foundation, magpadala lamang sila ng mensahe sa official Facebook page ng naturang foundation.

Ilagay nila ang kanilang kumpletong pangalan, edad, tirahan, contact number at larawan ng kapansanan o kundisyon nila.

Ang mga tauhan ng Project Ngiti Foundation ang makikipag-ugnayan sa kanilang affiliated hospitals para sa laboratory tests at operasyon ng mga pasyente.

Noong Abril 22, 2026, kabilang si Ronnie at ang Project Ngiti Foundation sa mga pinarangalan ng Nation Builders and Mosliv (Most Sustainable and Liveable) Awards dahil sa pagtulong sa mga kababayan nating may kapansanan.

Ang Nation Builder of Purpose Driven Excellence across Arts, Aviation and Service ang pagkilalang tinanggap ni Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ronnie liang award
Ronnie Liang receives from Nation Builders and Mosliv Awards
Photo/s: Ronnie Liang Facebook

Read: Angel Galang apologizes to Marina Summers over "chaka host" remarks during MUPH 2026

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Liang brings hope to more Filipinos as Project Ngiti Foundation expands its free cleft lip and palate surgeries nationwide. From infants to adults, patients can now access life-changing procedures, therapy, and support—completely free.
PHOTO/S: Ronnie Liang Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results