Kabilang ang bunsong anak ni Aiko Melendez na si Marthena Jickain sa mga napapabalitang ipapakilala bilang bahagi ng Star Worx sa Martes, Mayo 5, 2026.
Ang Star Worx ang rebranded talent management agency ng TV5 na may dating pangalan na MQuest Artists Agency. Pamamahalaan ito ng star builder na si Johnny Manahan o Mr. M sa showbiz.
Si Marthena ay anak ni Aiko sa ex-husband nito, ang chef, model, at former Bodyshots contestant na si Martin Jickain.

Ang pagpasok ni Marthena sa Star Worx ang hudyat ng pagiging bahagi niya ng entertainment industry, tulad ng kanyang ina at kapatid na si Andre Yllana.
Si Andre, anak ni Aiko sa una nitong asawa na si Jomari Yllana, ay contract star naman ng Viva Artists Agency.
Nananalaytay sa dugo ni Marthena ang pagiging artista at may pagmamanahan dahil isang mahusay na aktres si Aiko at promising actor si Andre.
Ito ay kahit sinabi noon ni Marthena sa kanyang ina na hindi muna siya papasok sa showbiz.
Read: NETIZENS REACT: Hard-to-miss moments at Miss Universe Philippines 2026

MARTHENA JICKAIN ON JOINING SHOWBIZ
Sa one-on-one interview ni Aiko kay Marthena noong Hulyo 2024, idineklara ng kanyang anak na ayaw nitong mag-artista.
Paliwanag ni Marthena: “Right now, it’s not my focus. Parang hindi pa ako masyadong out of my shell for that kind of stretch out of my comfort zone.
"So, gusto ko muna, endorsements or commercials.
“At the same time, I think the world of social media now and showbiz is so different from what I saw it to be back then.
"Growing up, napapanood kita [Aiko], so siyempre, nandun yung takot na you always have to makipantay kung saan ang expectations ng tao sa yo.
"So, ayoko munang harapin that kind of business.”
Pero makalipas ang mahigit isang taon, nangyari ang acting debut ni Marthena sa Kapag Humupa Na ang Ingay, ang short film tungkol sa kuwento ng pagmamahalan ni Aiko at ng boyfriend nitong si Onemig Bondoc.
At ngayong Mayo 2026, inaasahang kasama siya sa mga ilulunsad na contract artists ng Star Worx.
Read: TV5, pinasilip na ang artists na kabilang sa Star Worx