PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor, desididong magsalita laban sa dating namamahala ng career

Aktor, nagbabalak magpaunlak ng tell-all interview.
by Jojo Gabinete
Published 4 hours ago
blind item aktor
ILLUSTRATION: Chat GPT

Naghihintay lamang ng tamang panahon ang aktor dahil desidido na siyang magsalita tungkol sa diumano’y panggigipit na naranasan niya mula sa mga kamay ng dating namamahala sa kanyang showbiz career.

Isang tell-all interview ang iniisip ng aktor.

Hindi raw natatakot ang aktor sa hakbang na gagawin niya dahil pawang mga katotohanan umano ang kanyang isisiwalat.

Bakas sa boses at tono ng pananalita ng aktor ang matinding sama ng loob na nararamdaman nang makausap ito ng Cabinet Files.

Ito ay dahil sa mga nangyayari ngayon sa kanyang personal at professional life na isinisisi niya sa mga dating pinagkakatiwalaan.

Hindi itinanggi ng aktor ang trauma na patuloy na pinagdaraanan dahil sa naging trato sa kanya, pero naghahanap daw siya ng solusyon para sa ikabubuti niya.

Read: Jonas Gaffud's MUPH 2026 viral clip clarified by pageant official

ACTOR PREPARING FOR SHOWBIZ COMEBACK

Sa ngayon, ang self-improvement at ang kanyang mental health ang pinagtutuunan ng panahon ng aktor bilang paghahanda sa plano niyang muling maging aktibo sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umaasa rin ang aktor na makakita ng taong magtitiwala at tutulong para magkaroon ng bagong sigla ang kanyang showbiz career.

Nangako sa sarili ang aktor na gagawin ang lahat ng makakaya para mabawi ang mga oportunidad na nawala na epekto ng diumano’y unfair treatment na ginawa sa kanya ng mga taong pinagkatiwalaan niya.

Read: Inah de Belen, Rosmar Tan clash online over "look-alike" comment

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results