Ibinahagi ng host at aktres na si Phoebe Walker sa Cabinet Files ngayong Miyerkules, Mayo 6, 2026, ang ilan sa prenup photos nila ng kanyang fiancé, ang radio DJ, actor, at former Pinoy Big Brother: Celebrity Edition housemate na si Rico Robles.
Naganap ang prenup photo shoot nina Phoebe at Rico noong unang linggo ng Marso 2026 sa mga kalye sa Hong Kong.
Sa Hong Kong isinilang at lumaki si Phoebe bago nagpasya ang kanyang pamilya na manirahan sila nang permanente sa Pilipinas nang tumuntong siya sa edad na walo.
Ang ABC Photography sa Hong Kong ang photographer ng prenup photo shoot nina Rico at Phoebe, samantalang si Jemi Nicdao ang stylist.
Read: Actress Phoebe Walker, DJ Rico Robles now engaged










PHOEBE AND RICO TO WED IN JUNE
Nakatakdang idaos ang pag-iisang dibdib nina Phoebe at Rico sa isang sikat na island resort sa Hunyo 2026.
Nangako ang aktres na ibabahagi rin niya sa Cabinet Files ang kumpletong listahan ng kanilang wedding entourage.
“Our entourage is our family, and Sheree Bautista is our flower girl. For the list of godparents, we’re still finalizing the last pair,” ilan sa mga impormasyong ibinahagi ni Phoebe tungkol sa nalalapit na pagpapakasal nila ni Rico.
Matalik na kaibigan ni Phoebe si Sheree kaya may partisipasyon siya sa intimate wedding na magaganap dahil pamilya at malalapit na kaibigan ang mga imbitado.
Read: Vico Sotto wins $1M grant at Bloomberg's Mayors Challenge