“RAW??? DAW??? SABI NILA??? BAD SEED!!!"
Ito ang makahulugang Instagram post ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto noong Martes, Mayo 5, 2025.
Wala mang detalye o pangalang binanggit si Vilma sa kanyang cryptic post, maraming netizens ang naniniwalang patungkol ito kay Batangas First District Representative Leandro Leviste.
Ito ay bilang reaksiyon sa patuloy na pagliligalig, pagbatikos, at paninira ni Leviste sa pamilya ng Star for All Seasons at multi-awarded actress.
Sa privilege speech ni Leviste sa Kongreso noong Martes, binatikos niya nang husto at nagbitaw siya ng mabibigat na paratang ng panunuhol laban sa mister ni Vilma na si Executive Secretary Ralph Recto.
Pero sinagot at ipinagtanggol agad si Recto ng anak nila ni Vilma, si Batangas Sixth District Representative Ryan Christian Recto.
Read: Recto reveals Leviste's alleged PHP1B bribe attempt for Vilma to withdraw from 2025 elections
GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO THANKS SUPPORTERS
Ilang araw bago ang kanyang cryptic post sa Instagram, naglabas si Vilma ng video ng mensahe ng pasasalamat para sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya at sa pamilya niya.
Saad niya: “Gusto ko lamang magpasalamat sa inyo, sa inyong pagdarasal at nagwo-worry kayo sa akin. Don’t worry.
“Yeah, I’m facing some challenges, depende yan sa medyo maligalig, but you don’t have to worry.
"As long as I know, deep in my heart, we know that deep in our heart, kasama si E.S. [Executive Secretary Ralph Recto], that we are serving our people from the heart.
“Nothing to worry. You really cannot please everybody. Damn if you do, damn if you don’t. So, sanay na kami diyan.
“But then, thank you for all your prayers. Lagi rin kaming nagdarasal for guidance at inspirasyon namin kayong lahat."
Dagdag pa ni Vilma: “Sa mga GenZs ko na agresibong-agresibo, thank you very much.
"Sa mga veterans ko na mga kaedad ko na, remember, nandito lang, sama-sama na tayo noon pa.
“And I love you because we are one family.
"And yung mga present natin na mga bagong Vilmates, to all of you, mabuhay kayo.
“We will stand [as] one family na nagsusuporta, nagmamahalan, at naniniwala sa isa’t isa. Let’s just continue to inspire each other.
“Sa panahon ngayon, may mga negatibo, may mga pagsubok, huwag tayong padadala.
"Katulad ng lagi kong sinasabi, let’s not be part of the problem. Let’s all be part of the solution para sa ikagaganda pa, ikakapositibo ng mga darating na araw pa para sa ating bansa.
“Mabuhay Vilmates! Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang Batangueño! Mabuhay tayong laha! God bless!”
Read: Vico Sotto wins $1M grant at Bloomberg's Mayors Challenge