Ang pagkagiliw at pagmamahal niya kay Fyang Smith ang isa sa mga ikinuwento ni Dina Bonnevie nang humarap ang beteranang aktres sa mga miyembro ng entertainment press kahapon, Mayo 6, 2026.
Katarina Verona ang pangalan ng karakter ni Dina sa Love is Never Gone, at may koneksiyon sa kanya ang lahat ng mga tauhan ng Prime Video series na mapapanood simula sa Biyernes, Mayo 8, 2026.
Si Fyang ang gumaganap bilang isa sa mga anak ni Dina sa Love is Never Gone.
Ayon sa multi-awarded actress, mahal na mahal niya ang Pinoy Big Brother: Gen 11 big winner.
Saad ni Dina: “Si Fyang, kaya ko siya nagustuhan, mukha siyang susurit. Ano ba ang susurit?
"Wala naman meaning ang susurit. Maliit kasi na makulit na makulit.
“Love na love ko si Fyang. Tinatawag ko nga siyang 'my little shrimpy' kasi ang hilig niya sa shrimp.
"Nung nag-guest siya sa HOD [House Of Dina], pinaluto niya sa akin buttered shrimps.
"Tapos tuwing nagpapakain si Direk sa taping, nakakaubos siya ng ilang shrimps."
Ulit pa ng aktres: “Mahal na mahal ko si Fyang. She’s like a baby girl to me.
"Makulit siya. Palagi niya akong kinukulit."
Read: Recto reveals Leviste's alleged PHP1B bribe attempt for Vilma to withdraw from 2025 elections
DINA AND FYANG AS ROOMMATES
Alam daw ni Dina na natatakot sa kanya dati si Fyang dahil sa babala ng production staff na mataray ang veteran actress sa mga latecomer sa taping.
Lahad niya: “So, parang nung naging roommate ko siya, takot na takot daw siya, ‘Oh my God, parang of all people, siya pa yung ka-roommate ko. Bakit si Miss D?’
“Kaya pagka-make-up niya, tahimik na siya.
"Lumuwag lang ang loob niya nung ako na ang nag-reach out, 'How did you start? Ilang taon ka na?'
“Nalaman ko na PBB winner siya so ang dami ko nang interbyu sa kanya.
“Lumabas daw siya, sabi niya, 'Walanghiya kayo! Tinakot ninyo ako. Sabi ninyo, ang sama ng ugali ni Ms.D., ang bait-bait ni Momma.”
DINA BONNEVIE'S WRONG IMPRESSION OF JM IBARRA
Natawa naman si Dina nang magkuwento tungkol kay JM Ibarra, ang ka-loveteam at rumored biyfriend ni Fyang na kasama rin nila sa Love is Never Gone.
“Nung una, sabi ko, 'Anong nakita ni Fyang sa kanya? Dugyot, dyusko!'
"Tapos nung nag-guest siya sa HOD, sabi niya [Fyang], 'Momma, si JM!’
“'JM?' Ang pogi pala niya,” reaksiyon ni Dina.
Nagulat at humingi ng paumanhin ang aktres kay Fyang dahil ibang-iba umano ang hitsura ni JM nang magkita sila.
“Sorry, kasi ngayon ko lang siya nakita," sabi ni Dina.
"Iniitiman pala siya [sa Love is Never Gone] tapos nilalagyan siya ng wig na red na mahabang buhok, na 'Anong itsura ng dugyot na 'to?' Pinapadumi pala siya kasi nga mahirap siya.
“Sabi ko [kay Fyang], ‘Sorry. Nung una, gusto kitang tanungin, ano ba ang nakita mo dito [kay JM]?’
“Guwapo mo naman pala, e. Tapos ang kinis niya na mahiyain.
“Sabi ko, sorry naman, na-judge ko. Akala ko, 'Ano ba itong nagustuhan ni Fyang, ang itim-itim ng face?'
"I didn’t know it was make-up. Kasi nung unang ma-meet ko siya sa set, naka-make-up na pala siya.
"E, since hindi ko naman siya nakakaeksena, kasi dun siya sa poor house, dito kami sa rich, so yun na ang ano ko sa kanya.
"E, noong nag-story conference, naka-red din siya na hair extensions."
Bukod sa Love is Never Gone, mapapanood sina Fyang at JM sa Almost Us, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na nagbukas sa mga sinehan nitong Miyerkules, Mayo 6.
Ginanap ang red-carpet premiere ng Almost Us noong Martes, Mayo 5.
Natuwa ang Regal producers sa papuri ng mga nanood sa launching project nina Fyang at JM dahil nagustuhan nila ang kuwento, pati na ang mahuhusay na pagganap ng mga artista ng pelikula.
Read: JM Ibarra and Fyang Smith deliver kilig, chemistry, and heart in Almost Us