Makalipas ang tatlong taon, muling magbibida sa pelikula si Marco Gumabao.
Sila nina Andrew Muhlach at Denise Esteban ang mga bida sa Pasakalye, ang action movie na mula sa direksiyon ni Roman Perez Jr. at mapapanood sa VMX.
Ilang beses ginamit ni Marco ang salitang "nakakatuwa" sa kanyang pagbabalik sa VMX.
Ipinaalaala rin niyang sila nina Xian Lim at Kylie Verzosa ang “buwena mano” sa VMX.
Ang Parang Tayo Pero Hindi na pinangunahan nila ang unang original series na napanood sa naturang streaming platform noong Enero 2021, kasagsagan ng coronavirus pandemic.
“Nakakatuwa at exciting na nandito po uli tayo sa VMX.
"Actually, first-ever show ng Vivamax before, kami rin po ni Kylie, kasama po namin si Xian Lim.
"Buwena mano yung series po natin na yon. Sa Pangasinan po kami nag-shoot,” pagpapaalala ni Marco sa entertainment press na dumalo sa media conference ng Pasakalye noong Miyerkules, Mayo 6, 2026.
Saad pa niya: “Siyempre nakakatuwa na now, I’m back here in VMX and we’re creating different genres of movies or series.
"So nakakatuwa na, at least, very diverse yung platform po natin ng VMX.
"Na talagang we can also cater to a lot of different genres na puwedeng panoorin ng lahat ng tao.”
Read: Vilma Santos posts cryptic “bad seed” message amid Leandro Leviste issue

PASAKALYE: VMX MOVIE WITHOUT SEXY SCENES
Nilinaw ni Marco na kahit mapapanood sa VMX ang Pasakalye, hard action at walang sexy scenes ang kanyang comeback movie.
“It’s very different kasi first time po talaga na gumawa ako ng pelikula na full action. This is a full action-packed movie.
“Yes, nasa VMX kami pero don’t’ worry… sadly, wala kaming mga sexy scene!” napahalakhak na pahayag ni Marco.
“Sadly, sadly.
"Pero every character na binubuo talaga ng isang artista, iba-iba naman po talaga ang process ng pagbuo ng isang karakter.”
Matalik na magkaibigan at BMX riders ang mga karakter na ginagampanan nina Marco at Andrew sa Pasakalye.
Bilang paghahanda, tumambay at nag-brainstorming daw ang dalawa bago nag-umpisa ang shooting nila para sa kanilang action movie.
Ani Marco: “Pinag-usapan namin ang magiging dynamics ng characters namin kasi para kaming magkapatid.
“Lumaki kami simula pagkabata hanggang sa pagtanda. Kumbaga, best friend or bilang tropa at magkapatid ang turingan namin.
“Of course, kasama sa proseso ng paghahanda, e, bonding sa parang kapatid mo.”
Read: Vico Sotto wins $1M grant at Bloomberg's Mayors Challenge