Magdiriwang si Ashtine Olviga ng ika-27 na kaarawan sa Mayo 19, 2026 at kasado na ang balak niyang magbakasyon sa ibang bansa, kasama ang kanyang mga magulang at kapatid.
Read: Ashtine Olviga: From P-pop days to lead star in a movie
"For my birthday, nagpaplano po ako na mag-out of the country with my family. First out of the country [trip] ko," pahayag ni Ashtine nang itanong ng Cabinet Files ang iniisip niya na gagawin na pagdiriwang para sa kanyang 27th birthday.
Ang Love Like Ashtine ang kauna-unahang solo concert ni Ashtine na magaganap sa Agosto 22, 2026 sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City, at isa ito sa mga pagkakaabalahan niya pagkatapos magdiwang ng kanyang kaarawan.
Miyembro si Ashtine ng Ppop Generation na regular na nagtatanghal noon sa Teatrino, Greenhills, San Juan City. Pero nahinto at nabuwag ang grupo noong 2020 dahil sa coronavirus pandemic kaya nagkanya-kanya na sila ng landas.
Tiniyak ni Ashtine sa Cabinet Files na magagamit niya sa Love Like Ashtine ang lahat ng kanyang mga natutunan noong miyembro pa siya ng Ppop Generation.
"Yung discipline po noong Teatrino days ko, magagamit ko, like quick change. Kahit yung pagiging on time lang mismo,” ani Ashtine.
Read: Apphle Celso, wala nang komunikasyon kay Ashtine Olviga
ASHTINE OLVIGA ON PPOP GROUPS
Nangangarap siyang magkaroon ng reunion ang Ppop Generation members sa kanyang concert.
"Gusto ko rin po ‘yon. Actually, nasabi ko po ‘yon since gusto kong i-showcase din yung journey ko sa industry.
"Gusto ko rin na makasama yung ibang girls na kasama ko sa mga girl group,” ang umaasang sambit ni Ashtine.
Siya ay dating miyembro ng tatlong girl group, ang UGG (U Go Girls), Ppop Generation, at LITZ (Life in the Sunshine) bago siya naging solo star at ipareha kay Andres Muhlach sa Viva One series na Ang Mutya ng Section E.
Read: Apphle Celso, dating kagrupo ni Ashtine nagpapaseksi na ngayon
ashtine olviga ON APPHLE CELSO
Ang sexy star-singer na si Apphle Celso ang isa sa mga dating kasamahan ni Ashtine sa UGG, pero hindi pa sila nagkikita o nagkakausap mula nang magdesisyon ang una na magpaseksi sa mga pelikula ng VMX.
"Hindi pa po kami nagkikita uli, pero I’m so happy for her kasi finally, nakakapag-acting na siya ulit,” saad ni Ashtine tungkol kay Apphle.
"Isa siya sa mga member ng una kong pinaka-girl group sa UGG and sobrang nilo-look up to ko po siya kasi isa siya sa mga confident na babae [na nakilala ko].
"Magaling siyang sumayaw, magaling siyang kumanta, at magaling din siyang umarte kaya I’m so happy na nagagawa niya ulit po kung ano ang gusto niyang gawin talaga."