Nabigo ang nag-viral candidate at former BGYO trainee na si RJ Perkins na mapanalunan ang titulo at korona ng Mister Pampanga 2026.
Si AJ Lacson ng Sto. Tomas ang kinoronahang Mister Pampanga 2026.

Mister Pampanga Tourism Universe Philippines si Dalton Leerhoi Mendoza ng Lubao.

Mister Pampanga World Philippines si Christan Manalo ng Mexico.

Mister Pampanga Teen Philippines si Samuel Surry ng Magalang.

Mr. Pampanga Icon Philippines naman si Dhave Dyoco ng City of San Fernando.

RJ PERKINS NAMED FACE OF MISTER PAMPANGA
Bago naganap ang koronasyon ng mga nagwagi sa Mister Pampanga 2026, inanunsiyo ng mga host ang “plot twist.”
Ito ay ang desisyon ng “generous" pageant organizer na magbigay ng dalawang bagong titulo at korona—ang Face of Mister Pampanga 2026 at Mister Pampanga Tourism Island.
Ibinigay kay RJ ang tila pampalubag-parangal na Face of Mister Pampanga.

Si Edward Santos naman ng Guagua ang hinirang na Mister Pampanga Tourism Island.

Karapat-dapat si RJ sa natanggap nitong People’s Choice Award dahil malaki ang kanyang kontribusyon kaya nagkaroon ng ingay at pinag-usapan ang provincial male pageant na sinalihan niya.
Nakuha ni Perkins ang atensiyon ng marami dahil hindi siya nailang at nahiya na ipakita ang kanyang malusog na pangangatawan sa swimsuit competition.
Umani ng mga papuri, pinag-usapan, nagkaroon ng mga TV guesting at mga panayam si Perkins dahil sa kanyang ipinamalas na body positivity.

Read: RJ Perkins, agaw-pansin sa Mister Pampanga 2026
A BARRAGE OF SPECIAL AWARDS
Nag-umpisa ang grand coronation ng Mister Pampanga 2026 ng Sabado ng gabi, Mayo 9, 2026, ngunit natapos na ito ng Linggo ng madaling-araw, Mayo 10, 2026, dahil sa haba ng pagtatanghal.
Malaking oras ang nakonsumo ng pamumudmod ng special awards na mahigit kalahating oras ang itinagal dahil sa sari-saring parangal, na kareamihan ay mula sa sponsors.
Kabilang sa special awards ang Mr. Chef Baboy, Mr. VG Bakery, Smile of Hope Award, Mr. Winsome Smile, Mister Punctual, Mister Professionalism, at kung anu-ano pa.
AWKWARD MOMENT
Nalagay naman sa alanganin at nakakahiyang sitwasyon si Francis Gonzales ng Sta. Ana dahil tinawag ito ng mga host na sina Silvana Rauch at Jasmine Omay bilang isa sa Top 12 semifinalists.

Pero si Alvin Bautista ng Sta. Rita ang kasali at hindi siya, base sa cue card na binasa ni Rauch.
Hindi man lamang humingi ng paumanhin sina Rauch at Omay kay Gonzales sa kanilang nagawang pagkakamali, kahit hindi ito sinasadya.
Imbes na mag-apologize, sinabi ng dalawang hosts: “Before we move on into our question, I believe we should clarify, give a heads up first.
"We don’t wanna make any mistake so can we have somebody here from the production? We just wanna double check.
"Ladies and gentlemen, we don’t want another Steve Harvey moment, don’t we?
“I believe Mr. Sta. Ana would have to wait a little bit. Our next finalist is actually Sta. Rita.
“Thank you so much, Mr. Sta. Ana, but you know what, it happens.
“But let’s not mind that because Mr. Sta. Rita is here.”
Read: Dina Bonnevie sells QC home, moves to Ayala Alabang after husband's death