Dalawang araw lamang na nanatili sa Hong Kong si Ai-Ai delas Alas para sa Hyrox international competition na ginanap sa AsiaWorld Expo mula Mayo 8 hanggang Mayo 10, 2026.
Ang Hyrox ang indoor fitness competition na pinagsama ang walong kilometro na pagtakbo at walong functional workout stations na salitan na ginawa ng mga lumahok.
Sumali si Ai-Ai, 61, at ang kanyang partner na si Joy de Guzman, 52, sa Double Women’s Open category at natapos nila ang kumpetisyon sa loob ng dalawang oras at 23 minuto.

Read: Ai-Ai delas Alas embraces brighter side of being single
Kakaibang fulfillment o katuparan at kasiyahan ang naramdaman ni AiAi nang lumahok siya sa Hyrox Hong Kong na isang dating panaginip lamang.
Ayon kay Ai-Ai, sina Carlo Aquino at Jerald Napoles ang mga naging inspirasyon niya para subukan ang Hyrox.
"Naisip ko na mag-Hyrox dahil palaging gym at Zumba ang ginagawa ko. Parang naghahanap ng ibang klase ng exercise ang katawan ko.
"And then, nakita at nakasabay ko sa gym sina Jerald at Carlo. Sinabi ko kay Carlo na susubukan ko ang Hyrox. Ang sabi niya, 'Hindi mo kaya ‘yon, Ma. Ang hirap-hirap nun.'
"Na-challenge ako sa reaksyon ni Carlo. Sinabi ko sa sarili na kaya ko at kung hindi man, kakayanin ko. Nag-umpisa ako noong November 23, 2025,” kuwento ni Ai-Ai.
Ma ang tawag ni Carlo kay Ai-Ai dahil sa pelikula nilang Ang Tanging Ina.

Read: Ai-Ai delas Alas is now officially divorced from Gerald Sibayan
AI-AI DELAS ALAS ON BENEFITS OF HYROX
Marami na siyang napansin at naramdaman na pagbabago sa kanyang katawan dahil sa Hyrox.
"Na-maintain ang focus ko at nakaka-boost ng self-esteem ang Hyrox dahil bukod sa nakakapayat, nakakaganda ito ng kutis.
"Stress reliever din at kapag pagod ka dahil sa Hyrox, bagsak ka agad sa kama at super tulog. May involved din na social connection dahil dumami ang friends ko na nakilala ko sa Hyrox training."
Anim na buwan na nag-ensayo at naghanda si Ai-Ai para sa Hyrox Hong Kong dahil walang Hyrox competition sa Pilipinas.

Pinili ni Ai-Ai na lumahok sa Hyrox Hong Kong dahil ito ang pinakamalapit sa ating bansa.
"All over the world na ang Hyrox pero wala pang competition sa Pilipinas. Ang Hyrox Hong Kong ang sinalihan ko dahil malapit sa Pilipinas kaya walang jetlag.
"Importante sa Hyrox ang endurance at strength kaya kailangan talaga, malakas ang katawan mo. Hindi puwede na jet-lagged ka," lahad ni Ai-Ai.
Lubos ang ligaya niya sa resulta ng pagsali niya sa Hyrox Hong Kong.
"Nakaka-high at overwhelming ang experience dahil madalas ako na nanonood ng Hyrox sa Instagram at TikTok.
"Pero nung nasa Hong Kong na kami, magkahalo na kaba at excitement ang naramdaman ko.
"Nagkaroon kami ng cramps dahil sa all the way na pagtakbo namin pero masaya yung event, maraming athletes."

Read: Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?
EXPANDING HER LIMITS
Dream come true para kay Ai-Ai ang matuto ng sport dahil hindi niya raw iyon nagawa nung kabataan niya.
"Nung bata ako, gusto kong sumali sa volleyball game at swimming.
"Basta, gusto ko noon na maging athlete. Ang kaso, wala kaming pera noon at maliit ang paa ko.
"Pero ngayon, sobrang happy ako sa bago kong journey as an athlete at my age,” ang kuwento ni Ai-Ai na sinundan nito ng malakas na halakhak.

Patunay daw ang karanasan niya na hindi balakid ang edad para matuto ng bagong skill or sport.
"Hindi naman talaga ako ma-night life na tao pero kailangan ko pa rin na disiplinahin ang sarili ko.
"At may bago akong na-achieve sa buhay ko. Hindi lamang para sa sarili ko, para rin sa mga nanay at kababaihan na nabibigyan ko ng inspirasyon.
"Age is just a number. Ang sabi nga sa akin ng isang babae na nakilala ko sa Hyrox Hong Kong, ‘Nandito ako kasi na -inspire mo ako kaya sumali ako dito,'" ani Ai-Ai.
"Inspiring a generation. Defining a legacy” ang mensahe na nais na iparating sa lahat tungkol sa pagiging aktibo niya sa Hyrox