PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lyza Aquino's "ina mo" greeting goes viral

Lyza Aquino throws Mother's Day punchline on TV Patrol Weekend.
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
Lyza Aquino's "ina mo" Mother's Day greeting goes viral
Kapamilya newscaster Lyza Aquino draws laughter with her unexpected punchline right after her Mother's Day special report.
PHOTO/S: Screengrab from TV Patrol Weekend

Ipinagdiriwang at ginugunita ngayong Linggo, Mayo 10, 2026, sa maraming panig ng mundo ang Araw ng Mga Ina.

Noong Sabado, May 9, o isang araw bago ang pagbibigay-parangal sa kadakilaan ng mga ina, naglabas ang TV Patrol Weekend ng ABS-CBN ng ulat tungkol sa mga gift idea na puwedeng ibigay sa mga nanay.

Personal na nagsadya ang ABS-CBN news reporter na si Lyza Aquino sa tindahan ng mga bulaklak sa Dangwa, Sampaloc, Manila.

Si Liza ay sampung taon nang reporter ng Kapamilya Network.

Sa kanyang ulat, sinabi niya na dinadagsa na ng mga kababayan natin ang Dangwa flower market para sa mga bulaklak na ireregalo sa kanilang mga tanging ina tulad ng dried flowers na mabibili sa presyo na PHP1,000 paitaas.

Read: Bea Alonzo's family airport photo ignites wedding buzz

LYZA AQUINO PUNCHLINE

Sinamantala ni Lyza ang pagkakataon dahil bago matapos ang paghahatid niya ng balita, binati niya ang TV Patrol Weekend anchors na sina Zen Hernandez at Adrian Ayalin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At siyempre Zen, Adrian, nandito na rin naman tayo, Happy Mother’s Day po sa ina mo, ina ninyo, ina nating lahat."

Napigilan ni Lyza ang sarili na matawa sa mga salitang binitiwan niya.

"Ikaw talaga" ang tanging nasabi ng news anchor na si Zen Hernandez.

Agad na napansin ng televiewers ang Mother’s Day greetings ni Lyza at mabilis na nag-viral ang clip ng kanyang ulat na nagpatawa sa mga nakapanood.

Zen Hernandez and Lyza Aquino on TV Patrol Weekend
Zen Hernandez and Lyza Aquino on TV Patrol Weekend
Photo/s: Screengrab from TV Patrol Weekend
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?

NO COMMENT

Alam sa television industry na pinagbabawalan na magpainterbyu ang mga news reporter. pero sinubukan pa rin ng Cabinet Files na kunin ang pahayag ni Lyza tungkol sa viral clip ng kanyang ulat.

Hindi nagtagumpay ang Cabinet Files na malaman o makuha ang panig ni Lyza tungkol sa kanyang pinag-uusapan na Mother’s Day greetings.

Tulad nang inaasahan, hindi siya pinayagan ng pamunuan na magsalita tungkol sa kanyang pagbati na tunog mura kaya binigyan ng malisya ng mga Pilipino na likas na malikhain ang pag-iisip.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya newscaster Lyza Aquino draws laughter with her unexpected punchline right after her Mother's Day special report.
PHOTO/S: Screengrab from TV Patrol Weekend
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results