“A very well known Philippine influencer recognized across Asia and famously known as the King of Catwalk."
Ito ang pakilala kay Sinon Loresca, ang former Eat Bulaga! co-host na naninirahan sa Thailand at inimbitahan bilang analyst sa gabi ng koronasyon ng Miss World Thailand 2026.
Ginanap ang grand coronation sa MCC Hall, Bangkok, noong Linggo, Mayo 10, 2026.
"The WORLD is TRUE" ang tema ng Miss World Thailand 202.
Ang host na si Kornkan Sutthikoses ang nagpakilala kay Sinon, na naging bahagi ng Philippine entertainment industry bago siya nagdesisyong manirahan sa Thailand.
“Mabuhay, Thailand! Sawadee ka, World! My God, I am so happy to be here!" excited na pagbati ni Sinon.
Kaunod nito ay pinuri ni Sinon ang produksiyon ng Miss World Thailand 2026.
Saad niya, "First of all, I would like to say, first, for the production of the show, oh my God, it’s so beautiful ohooo! Suay maak [Thai word for beautiful]."
Pero sa halip na lighting, "lightning" ang nasabi ni Sinon tungkol sa magarbong stage.
Papuri pa niya: "My God, it’s like another world. I love it, my God, suay maak.
"And the ladies? My God, I do believe, as I’ve said before, I think it’s not impossible to be back-to-back in Miss World stage in Vietnam.
"Congratulations, Miss World Thailand, hohoo!”
Habang nagsasalita si Sinon ay ipinakita sa screen ang CEO ng Miss World Organization na si Julia Morley, na tuwang-tuwa sa kanya.
Nakilala si Sinon sa Thailand dahil sa kanyang mga video na naglalakad siya sa mga kalye ng Bangkok, suot ang sapatos na matataas ang takong.
Read: Bella Ysmael crowned Miss Cosmo Philippines 2026
MISS WORLD THAILAND 2026 WINNER
Si Namphueng Kanteera ang kinoronahang Miss World Thailand 2026.
Ang reigning Miss World na si Opal Suchata ang nagputong ng korona sa kanya kaya sinabi ni Sinon na umaasa ito ng back-to-back win ng Thailand sa 73rd Miss World na idaraos sa Vietnam sa Setyembre 2026.

Hindi naman pinalad magwagi o magkaroon ng puwesto sa Miss World Thailand 2026 ang kandidatang si Iris “Jib” Saesun, 27, pero nakuha nito ang paghanga at respeto ng publiko.
Si Jib ay digital marketing graduate at may Stage 4 lymphoma.
Sumasailalim si Jib sa chemotherapy treatment kaya kalbo siya nang sumali at rumampa sa entablado ng Miss World Thailand 2026.

“Jib for Any Cancer: Hope & Life” ang advocacy project ni Jib.
Pangunahin nitong layuning makapagbigay ng pag-asa sa mga cancer patient na kagaya niya sa pamamagitan ng research, access to medication, at post-treatment recovery assistance.
Read: WHAT PEP KNOWS. Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?