PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval finally opens up about heartbreaking loss of son Aaron

AJ Raval breaks down in tears while remembering her late son Aaron.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
aj raval fast talk withg boy abunda
AJ Raval tearfully recalls the death of her son Aaron and reveals how the loss continues to affect her family: "Hindi siya nawala sa isip namin, sa puso, kahit sandaling panahon lamang namin siya nakasama. Pagdating ng araw, magkikita rin kami."
PHOTO/S: GMA Network

Bilang action star, matapang at hindi umiiyak ang pagkakakilala ng publiko kay Jeric Raval.

Pero sa kauna-unahang pagkakataon, napanood sa telebisyon ang pagpatak ng kanyang luha nang magkuwento ang anak niyang si AJ Raval tungkol sa pagkamatay ng anak nitong si Aaron sa edad na isa.

Tulad ng madalas na ginagawa nito, sinamahan ni Jeric si AJ sa panayam nito sa post-Mother's Day episode ng Fast Talk With Boy Abunda ngayong Lunes, Mayo 11, 2026, bilang suporta.

Lima ang anak ni AJ: dalawa mula sa kanyang dating karelasyon at tatlo sa partner niya ngayong si Aljur Abrenica.

Si Aaron ang pangalawang anak ni AJ sa dati niyang karelasyon.

Nang tanungin ng host na si Boy Abunda sa sanhi ng kamatayan ni Aaron, nakiusap si AJ na baguhin ang tanong.

Iniiwasan daw kasi niyang mapag-usapan ang isang napakalungkot na parte ng kanyang buhay.

“That, Tito Boy, siguro po, sorry po. Yung naramdaman ko na lang po siguro," pakiusap ni AJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang naging pakiramdam niya noon?

Sagot ni AJ: "Masakit, sobrang sakit. Bilang isang ina, napakasakit.

“Parang wala pong tamang word kung paano i-describe yung nararamdaman ko noon.

“Pero hindi po siya nawala sa isip ko ever, ever since. Araw-araw, paggising, pagtulog, iniisip ko pa rin.

“Tuwing Pasko, kapag po namimili kami ng Christmas gifts para sa lahat ng bata, sa mga anak ko, sa mga pamangkin ko, sa lahat po ng bata sa family, si Aaron, hindi po siya nawawalan ng gift. Part pa rin po siya."

Tuluyan nang napaiyak si AJ, pati na si Jeric, nang hingan siya ni Boy ng mensahe para sa kanyang sumakabilang-buhay na anak.

“Ang masasabi ko sa kanya, mahal na mahal ko siya. Hindi siya nawala sa isip namin, sa puso, kahit sandaling panahon lamang namin siya nakasama.

"Pagdating ng araw, magkikita rin kami," saad ni AJ.

Read: AJ Raval dreams of having 12 children: "Ang saya nun."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
aj raval father jeric raval
eric Raval shows a rare vulnerable side as he watches daughter AJ Raval emotionally open up about the death of her son Aaron.
Photo/s: Fast Talk With Boy Abunda

AJ RAVALA'S BIG REVEAL

Noong Nobyembre 14, 2025, ginulat ni AJ ang publiko nang maging panauhin siya sa Fast Talk with Boy Abunda dahil sa rebelasyon niyang lima at hindi lamang dalawa ang bilang ng kanyang mga anak—tatlo kay Aljur at dalawa sa dating karelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Personal na pinasalamatan ni AJ si Boy dahil maganda raw ang naging resulta ng kanyang pagtatapat tungkol sa pagkakaroon niya ng limang anak.

Aniya: “Nung after namin dito, ang ganda po ng kinalabasan, di ba? Actually, expected ko pong ibigay na lahat ng araw na yon.

“Di bale nang masira ako, mawalan na ng trabaho, mabigyan ko lang ng freedom yung mga anak ko, okay na ako.

“Pero hindi ko po ine-expect na ang ganda po pala ng kalalabasan ng interbyu na yon.Thank you so much, Tito Boy.

“Ang una po naming ginawa ng mga anak ko, si Aljur at yung mga anak din po niya kasama, nagbigay po kami ng pasasalamat sa Diyos.

"Um-attend po kami ng Thanksgiving Day. Nagpasalamat po kami, nagsamba po kami. Masaya po.”

Si Aljur ay may dalawang anak na lalaki sa estranged wife niyang si Kylie Padilla.

Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval tearfully recalls the death of her son Aaron and reveals how the loss continues to affect her family: "Hindi siya nawala sa isip namin, sa puso, kahit sandaling panahon lamang namin siya nakasama. Pagdating ng araw, magkikita rin kami."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results