GORGY RULA
Guests sa isang weekly show ang tatlong hunks na bagay na bagay pang-summer episode ang kanilang kakisigan.
Out of town ang location dahil pahabol na summer episode yata ito.
Kinilig ang kabadingan dahil wala kang itulak-kabigin sa tatlong borta na makakasama sa episode ng show.
Magkakasama sa episode na ito sina guwapong model, kontrobersiyal na aktor, at kaduda-dudang aktor.
Paminsan-minsan lang umarte sa harap ng camera si Guwapong Model, pero ang daming nagnanasa sa kanyang kaguwapuhan.
Kaya nang isinama siya sa dalawang aktor, naintriga ang ibang malisyosang bading.
TWO ACTORS IN ONE ROOM?
Pero na-focus sa dalawang aktor na kasama ng guwapong model ang intriga. Nagkasama na kasi sila sa isang BL series.
Nang nalaman magsasama sila sa episode ng show na kukunan out of town, tinanong ng aming source kung paano ang room assignment.
Magkasama ba sa kuwarto ang kontrobersyal na aktor at ang kaduda-dudang aktor?
Malilikot ang isip ng mga kabadingang napagtanungan namin. Ano raw kaya ang mangyari kapag silang dalawa na lang ang nasa room?
Hindi raw kasi nila kasama si Guwapong Model.
Magkaibigan naman daw itong dalawang aktor kaya huwag na raw lagyan ng malisya.
Nang nasa set na sila, doon nila nalamang uwian pala si Kontrobersyal na Aktor. Hindi na raw siya mag-o-overnight doon.
Pero si Kadudang-dudang aktor ay maiiwan dahil kukunan pa ito kinabukasan.
Inabot ng kantiyaw si Kaduda-dudang aktor.
Sinabihan pa itong wala na raw siyang kayakap sa magdamag. Tawa lang daw ito nang tawa.
Ang sabi lang niya, akala raw nilang lahat ay magkakasama pa sila sa ite-tape kinabukasan.
Hindi raw niya alam, bakit hindi na kasama si Kontrobersiyal na Aktor. Kaya naunsyami raw tuloy ang pagsasama nila sa isang room.
Kapag natutukso raw na slight na kabadingan itong si Kaduda-dudang Aktor, dedma at natatawa na lang daw ito.
Read: Angeline Quinto and Erik Santos react to primetime move of ASAP, latest ABS-CBN issue
JERRY OLEA
Kota Kinabalu (quota) na si Kaduda-dudang Aktor sa kayakap at kalingkisan sa isang festival kamakailan sa ibang bansa.
Ang kaibig-ibig pa kay kaduda-dudang aktor, OK lang sa kanyang ipag-laundry at ipagplantsa ang kanyang ka-ibigan.
Ay!!! Nakahanap na ba si kontrobersyal na aktor ng tagalaba, tagaluto, o tagapag-ayos ng mga gamit niya?
Branded lahat ng underwear ni kontrobersyal na aktor kaya dapat pag-ingatan ang pagkusot ng mga iyon, ha?!
Read: Aktor, spotted sa Bangkok hotel kasama ang "European-looking guy"
NOEL FERRER
Naku, ayaw ng kaibigan kong bading ng ganyan!
Siya raw dapat ang magwagi riyan, kasi kaeksena niya yang mga iyan sa naturang special!!!
Nakakatawa raw ang dynamics sa naturang taping. Sexy at masaya lang… kaya kaabang-abang!!!
Hahaha!!!
Read: Encantadia Chronicles: Sang'gre finale dominates ratings with 11.5%
