PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shirley Kuan, Alan German dragged into Bea-Vincent wedding issue

Political PR man Alan German offers P10K for proof that he personally knows Bea.
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
shirley kuan alan german bea-vincent wedding
Shirley Kuan (left), talent manager of actress Bea Alonzo, and political strategist Alan German (right) are being linked to malicious allegations that they opposed Bea’s marriage to businessman Vincent Co to avoid losing their supposed “cash cow.”
PHOTO/S: Rommel Llanes / ANC YouTube

Mula nang mapabalitang ikakasal ang aktres na si Bea Alonzo sa businessman na si Vincent Co, pagkatapos inanunsiyo ang kanilang wedding bans sa St. Peter the Apostle Parish sa Paco, Manila, noong Marso 2026, hindi na nagkaroon ng komunikasyon ang Cabinet Files sa talent manager ng aktres na si Shirley Kuan.

Si Shirley ang tumatayong talent manager ni Bea.

Nang kumalat ang mga espekulasyong hindi na matutuloy ang kasal nina Bea at Vincent sa Spain sa Mayo 16, 2026, lalong hindi na sumagot si Shirley sa text message ng Cabinet Files.

Pero ipinarating niyang nasa Los Angeles, California siya.

Ang hindi pakikialam ni Shirley sa mga personal na isyu sa buhay ng kanyang mga talent ang dahilan kaya, hangga’t maaari, hindi na siya tinatanong ng Cabinet Files dahil tiyak na hindi niya sasagutin.

Dalawang araw na ang nakalilipas buhat nang lumabas ang balita na, diumano, hindi lamang ang prenuptial agreement ang ugat ng hindi matutuloy na pag-iisang dibdib nina Bea at Vincent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kinalaman din daw rito si Shirley at ang political campaign strategist na si Alan German.

Ayon sa lumabas na ulat, hadlang sina Shirley at Alan na mag-asawa si Bea dahil mawawalan sila ng “cash cow.”

Read: Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?

SHIRLEY KUAN ON FORMER TALENT DONNA CRUZ

Tila mahirap paniwalaan ang bintang laban kay Shirley dahil marami ang nakakaalam sa showbiz na hindi ito nakikialam sa personal na buhay ng kanyang mga talent, maliban na lamang kapag hiningi ang tulong niya.

Isang halimbawa si Donna Cruz na superstar ng kanyang panahon nang magdesisyon siyang magpakasal kay Dr. Yong Larrazabal noong Setyembre 19, 1998.

Sikat na sikat noon si Donna.

Si Shirley ang manager ni Donna, pero hindi nito tinutulan ang desisyon ng kanyang alagang lumagay sa tahimik at bumuo ng sariling pamilya.

Exclusive sa GMA-7 ang coverage ng church wedding noon nina Donna at Yong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Shirley ang punong-abala at tiniyak nitong maayos ang importanteng araw sa kasal ng kanyang prized star noon.

Isa itong halimbawang salat sa katotohanan ang alegasyong tutol siyang mag-asawa si Bea dahil mawawala ang "cash cow" niya.

Read: Bea Alonzo’s airport family photo sparks buzz that wedding is on

donna cruz yong larrazabal wedding
Yong Larrazabal and Donna Cruz tied the knot n Basilica de San Sebastian Church in Manila on September 19, 1998.
Photo/s: File
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ALAN GERMAN REACTS TO HIS NAME BEING DRAGGED INTO THE CONTROVERSY

Ikinagulat naman ni Alan German ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa kontrobersiya ng hindi umano matutuloy na pag-iisang dibdib nina Bea at Vincent sa Spain.

Ayon kay German, hindi niya kilala nang personal ang aktres at hindi pa sila nagkikita kailanman.

Mariing pinabulaanan ni German ang alegasyon.

Nagbitaw rin siya ng hamon na bibigyan niya ng sampung libong piso ang sinumang makapaglalabas ng ebidensiya na magkakilala sila ni Bea.

Facebook post ni Alan German: “Easy P10,000 Challenge - If anyone can produce a non-edited, non-AI, non-Photoshopped AUTHENTIC picture of me with Bea Alonzo, I’ll give them P10K on the spot, no questions asked.

"KAHIT EVENT, KAHIT PUBLIC PLACE.KAHIT SAAN.

“I’ve literally NEVER MET her in my entire life. Sa dami ng iniisip ko, talagang nadamay pa ako sa showbiz intriga. Talaga naman.”

alan german post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo wedding banns with Vincent Co announced at a church

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shirley Kuan (left), talent manager of actress Bea Alonzo, and political strategist Alan German (right) are being linked to malicious allegations that they opposed Bea’s marriage to businessman Vincent Co to avoid losing their supposed “cash cow.”
PHOTO/S: Rommel Llanes / ANC YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results