PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tito Sotto blasts PNP, "barbaric" supporters of some senators

Tito Sotto "furious" at PNP, Senate security for failing to control protesters.
by Jojo Gabinete
Published 6 hours ago
Senator Tito Sotto blasts PNP, "barbaric protesters" at Senate
Senator Tito Sotto blasts PNP for failing to control "barbaric" protesters and supporters of some senators who assaulted his vehicle just when he was about to exit the Senate premises.
PHOTO/S: Vicente Sotto III Facebook
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon

Naghayag ng galit at dismaya si Senator Tito Sotto sa Philippine National Police dahil sa kanyang nakababahalang karanasan sa Senate of the Philippines compound noong Miyerkules, Mayo 13, 2026.

Naganap ito bago ang putukan ng mga baril sa loob ng gusali ng senado.

Ibinahagi ni Sotto sa Facebook page nito ang mga kaganapan habang papalabas ng gate ang Porsche car niya na may plate number 7.

Si Sotto ang nagmamaneho at tanging lulan ng sasakyan nang kinuyog ito ng mga taong nakabantay sa harap ng senado.

May dahilan ang pangamba ni Sotto, lalo't wala raw siyang kasamang bodyguard nang maganap ang insidente.

Diretsahang pahayag ni Sotto: "I am furious and disappointed with the PNP and other security personnel assigned outside the Senate for failing to control the rowdy and unruly crowd, allowing them to assault me while inside my vehicle when I was about to exit the Senate.

"The barbaric protesters banged my vehicle repeatedly, threw bottles and cursed foul remarks. They can see that I am driving alone with no bodyguards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ilang truck na PNP ang nakadeploy sa Senate, tapos ganito?

"Ganito na ba kawalang respeto at walanghiya ang mga taga-suporta ng ilang Senador na nagra-rally ngayong gabi?"

Napatunayan na totoo ang karanasan ng senador at Eat Bulaga! host dahil malinaw na nakunan ng video ang pagkuyog sa kanya ng mga tao na tinawag niyang mga walang-hiya at tagasuporta ng ilang mga senador.

May mga PNP na naka-deploy sa lugar, pero hindi napigilan ng mga ito ang naghagis ng tubig at nagbato ng plastic bottle of water sa kotse.

Natukoy namang mga supporters ni Senator Bato dela Rosa ang mga nagra-rally sa Senado noong gabing iyon.

Read: Mel Tiangco, Karen Davila trend online after interviews with Bato

SENATOR LITO LAPID MUM ABOUT SENATE ISSUES

Sina Sotto, Lito Lapid, Jinggoy Estrada, at Robin Padilla ang mga showbiz personality na naglilingkod bilang mga senador sa 20th Congress of the Philippines.

At inaabangan ng mga netizena ng reaksiyon ng mga ito sa kontrobersiya ngayon sa Senado—mula sa pagpalit ng mga liderato noong Lunes hanggang sa naganap na putukan nitong Miyerkules ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May Facebook post si Lapid na nagsasabing, "Sa gitna ng mga pagbabago, patuloy nating gagampanan ang tungkulin nang may malasakit, paggalang at hangaring makapaglingkod nang tapat sa bayan."

Pero liban dito ay nananatili ang kanyang pananahimik tungkol sa kaguluhan na naganap sa Senado noong Miyerkules ng gabi.

Read: Pro-Duterte senators oust Senate President Sotto; Bato surfaces

SENATE SHOOTING INCIDENT

Samantala, isa si Jinggoy Estrada sa mga kaalyado niyang senador na nag-Facebook Live habang naganap ang kaguluhan sa Senado.

Base sa kanyang video, kasama niya sina Robin Padilla, Camille Villar, Mark Villar, Imee Marcos, Loren Legarda, Pia Cayetano, at Alan Peter Cayetano na nagtago sa isang kwarto.

Maya-maya pa ay pinatay ang ilaw sa kuwarto habang inaalam daw nila kung ano ang pinagmulan ng pamamaril.

Sa isang hiwalay na video bago ito nakapasok sa kuwarto, nakunan si Padilla na papaakyat ng hagdan habang nagaganap ang kaguluhan pero hindi siya sumagot sa katanungan ng mga mamamahayag na nagtatanong at sumusunod sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Robin and Kiko clash during heated Senate exchange

WHERE IS BATO DELA ROSA?

Ngayong Huwebes nang umaga, Mayo 14, 2026, kumalat ang balita na wala na si Senator dela Rosa sa loob ng Senado dahil diumano, umalis siya kaninang madaling-araw at kasama niya si Padilla.

Pero hindi pa naglalabas ng paliwanag ang actor-politician kaya naghihintay ang lahat ng impormasyon at kumpirmasyon tungkol sa kinaroroonan ng senador na may warrant of arrest mula sa International Criminal Court.

Siya ay tinukoy ng ICC na "indirect co-perpetrator" sa crimes against humanity na kinahaharap ngayon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Tito Sotto blasts PNP for failing to control "barbaric" protesters and supporters of some senators who assaulted his vehicle just when he was about to exit the Senate premises.
PHOTO/S: Vicente Sotto III Facebook
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results