Pinag-iisipan pa ni Wilbert Ross kung iimbitahan niya si Vice Ganda bilang special performer o audience member sa WRten By, ang dalawang gabing pagtatanghal niya sa New Frontier Theater sa Hulyo 25 at Hulyo 26, 2026.
Sa panayam ng Cabinet Files, sabi ng actor-singer, "Nagpa-fight po siya sa utak ko kung gusto ko ba siyang mag-perform or gusto ko lang siyang manood for the whole show at babalikan niya ulit yung mga pinagdaanan ko dati.
"Nagtatalo po ako dun sa part na ‘yon kung ano ang gusto ko kasi siyempre basta gusto ko na mapanood at marinig niya yung songs na isinulat ko at yung mismong growth ko bilang artist."
Read: Wilbert Ross at Bea Binene, bibida sa Pinoy adaptation ng Pee Mak
WILBERT ROSS ON STAYCATION AT VICE GANDA'S HOUSE
Sa mga hindi nakakaalam, malapit sa isa’t isa ang dalawa at lalong lumalim ang kanilang pagkakaibigan noong panahon ng coronavirus pandemic.
May pagkakataong tumira siya sa tahanan nina Vice at Ion, kaya parang miyembro ng pamilya ang trato sa kanya ng couple.
Kuwento ni Wilbert: "Tumira po ako sa kanya ng mga two to three weeks yata, kasi sila lang po ni Ion doon at mag-isa lang ako sa Manila.
"Yun po ang kasagsagan ng pandemic so parang walang masyadong lumalabas and then dun po ako nag-stay.
"Sinasamahan ko sila every hapon, mag-badminton, mag-workout si Ion, maglaro ng PS5. Like, parang naging anak nila ako sa bahay nila."
Hanggang sa nagpaalam di Wilbert na uuwi na siya ng bahay.
"Nung umalis ako, sabi ko kailangan ko na talagang umalis. Kasi ayaw niya akong paalisin, nalulungkot po sila dun. Sila lang dalawa tapos yung mga kasambahay nila.
"Kumbaga, minsan lang magpapunta [yung ibang mga kaibigan nila] dun kasi strict nga po. Kailangan ng swab test bago makapasok at makalabas. Strict talaga, hindi ganoon kadali magpapasok ng mga bisita.”
Read: Mayor Vico Sotto, celebrities react to Senate gunfire incident
WILBERT ON VICE GANDA ACTING LIKE A PROUD MOM
Muling nagkita ang tatlo noong Mayo 2021 dahil naging contestant si Wilbert bilang hidden celebrity singer sa "Hide and Sing," ang singing contest segment ng It’s Showtime.
Tuwang-tuwa at agad na nahulaan ni Vice na si Wilbert ang mystery singer.
Napaiyak pa si Vice noon dahil sobrang na-miss niya ang anak-anakan.
Balik-tanaw ng aktor: "Nung umuwi na po ako, sabi ko may trabaho. Kaya nabigla siya nung nandun ako sa 'Hide and Sing.'
"Unang line pa lang po ako sa kanta, alam niya agad na ako kasi memorized niya ang boses ko."
Noon pa lang ay cheerleader na raw si Vice pagdating sa hilig niya sa pagkanta.
"Dati, lagi niya akong pinapakanta as in, 'Kumanta ka. Kumanta ka.' Alam ninyo yung nanay na parang pinapakanta sa mall [ang anak].
"Pag may karaoke, 'O kanta ka para marinig ng mga tao.’ Parang ganoon po siya ka-proud sa akin.
"Sa mga hindi po nakakaalam, ganoon po yung mismong relationship namin ni Vice, super supportive po niya talaga."