Pumanaw na ang dating aktor at PTV director na si Ed Finlan.
Isang banal na misa ang idaraos sa Linggo, Mayo 17, 2026, sa ganap na 1:30 ng hapon sa National Shrine of Our Lady of Guadalupe, Makati City.
Pagkatapos nito ay ihahatid sa huling hantungan ang kanyang mga labi.
Ang buong pangalan ni Ed ay Eduardo Valdez.
Ang anak ni Ed na si Martin ang naghatid ng balita noong Mayo 13 tungkol sa pagpanaw ng kanyang ama.
Sa pamamagitan ng social media post, sabi ni Martin: "It is with a very heavy heart that I share the news of the passing of my father, Eduardo Valdez, better known to many as Ed Finlan.
"Dad, I am going to miss you more than words can say. I love you forever. I’m sorry for the times we struggled, and it hurts so much to see you go. You will always be in my heart.
"To our friends and family, thank you for your support during this incredibly difficult time."
Read: How Zyann Ambrosio's footage helped shed light on senate incident
HILDA KORONEL POSTS HER SYMPATHIES
Kabilang ang aktres na si Hilda Koronal sa mga nagdadalamhati sa pagpanaw ni Ed.
Si Ed ay leading man niya sa Haydee, ang pelikula ng Lea Productions na launching movie niya at ipinalabas sa mga sinehan noong Abril 17,1970.
"I’m very saddened by the passing of my first leading man-ED FINLAN. We did Haydee together in 1970.
"Rest in peace dear friend. I will always remember you Ed," pahayag ni Hilda.

Read: Hilda Koronel: "We were very poor. I grew up in the slums."
ED FINLAN AS ACTOR-TURNED-DIRECTOR
Si Ed ay naging bahagi ng movie industry mula 1967 hanggang 1983.
Ang Haydee, Annie Batungbakal (1979), at Never Ever Say Goodbye (1983) ang ilan sa mga pelikula ni Ed noong aktibo pa ito sa paggawa ng mga pelikula.
Naglingkod si Ed bilang direktor ng mga programa ng PTV4.
Kaya noong Biyernes, Mayo 15, isang pagpupugay sa kanya mula sa pamunuan ng government-owned network ang napanood sa morning show na Rise and Shine Pilipinas.
"Sa likod ng bawat matagumpay na programa sa telebisyon, may mga tao na buong-puso na naglilingkod sa sining at sa serbisyo publiko.
"Isa na rito si Direk Eduardo Valdez o mas kilala bilang Direk Ed Finlan.
"Siya ay isang haligi ng industriya ng telebisyon na nag-iwan ng malaking marka sa larangan ng produksyon.
"Sa loob ng kanyang naging paglalakbay sa PTV, kinilala si Direk Ed sa kanyang dedikasyon, husay at malasakit sa bawat programa na kanyang hinahawakan.
"Sa bawat produksyon at bawat kuwento na naihatid sa sambayanan, dala niya ay propesyonalismo at pagmamahal sa sining ng broadcasting.
"Hindi lamang sa likod ng kamera tumatak si Direk Ed.
"Nakilala rin siya bilang mahusay na aktor na naging bahagi ng pelikulang Pilipino, kung saan ipinamalas niya ang kanyang lalim at natural na pag-arte,” ang bahagi ng pagbibigay-pugay kay Ed ng pamunuan ng PTV4.