PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Viral judge steals spotlight from looksmaxxing founder Clavicular

Judge Marcus Armas goes viral after sentencing influencer Clavicular.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
judge armas clavicular court hearing
Judge Marcus Bach Armas (left) became an online sensation after presiding over the case of controversial looksmaxxing founder Clavicular (right), who faced charges for illegally shooting an alligator in Florida.
PHOTO/S: X (Twitter)

Dalawampung oras na community service, six months probation, pagbabawal mag-stream at pagkakitaan ang oras ng serbisyo ang mga parusang ipinataw sa American influencer na si Braden Peters, 20, na mas kilala sa pangalang Clavicular.

Mga kaso ng paglabag sa batas at pagpapaputok ng baril sa pampublikong lugar noong Abril 29, 2026 ang mga reklamo laban kay Clavicular.

Nakunan siya ng video habang binabaril ang isang buwaya sa Francis S. Taylor Everglades Wildlife Management Area.

Braden Peters ang tunay na pangalan ni Clavicular, ang founder ng kontrobersiyal na looksmaxxing.

Ang looksmaxxing ay online subculture na inahahalintulad sa isang kulto dahil hinihikayat nila ang mga kabataang lalaki para pakinabangan nang husto ang kanilang mga pisikal na kaanyuan at lalong maging kaakit-akit ang hitsura.

Naa-achieve umano ang looksmaxxing sa pamamagitan ng cosmetic surgery, paggamit ng lipodissolve products, at ang delikadong facial bonesmashing.

Read: Alan Peter Cayetano's barong designer reacts to memes, criticisms

JUDGE ARMAS "OUTMOGS" CLAVICULAR

Si Judge Marcus Bach Armas ng Miami-Dade County Court Judge, Florida, ang naghatol ng parusa kay Clavicular noong Mayo 15, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iniutos din ni Juge Armas na kumuha si Clavicular ng mga kurso tungkol sa firearm safety at wildlife protection mula sa Florida Fish and Wildlife Conservation Commission.

Hindi kinontra ni Clavicular ang misdemeanor charges sa kanya.

Pero naging malaking isyu ang paghaharap nina Clavicular at Judge Armas sa korte.

Ayon sa maraming natizens, nasapawan ng hukom ang hitsura ng influencer.

Nakuha ni Judge Armas ang atensiyon ng netizens.

Pinag-uusapan siya sa social media dahil sa kanyang natural na kaguwapuhan, na hindi raw kailangan ng looksmaxxing na isinusulong ni Clavicular.

Ang pambihirang interes kay Judge Armas ang dahilan kaya nag-viral ito.

Nalaman din tuloy ng publiko ang ilang detalye sa buhay ng guwapong judge.

Siya ay Jewish-Cuban; 42 years old; at naninirahan sa Miami, Florida, kasama ang misis niyang si Lara, na isang litigation lawyer, at ang dalawa nilang anak.

Read: Singha beer heir Psi Scott accuses older brother of sexual abuse; Pi Scott denies claims

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judge Marcus Bach Armas (left) became an online sensation after presiding over the case of controversial looksmaxxing founder Clavicular (right), who faced charges for illegally shooting an alligator in Florida.
PHOTO/S: X (Twitter)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results