Sina Maricel Soriano at Bela Padilla ang mga aktres na tinutukoy sa teaser ad na inilabas ng Viva Films noong Huwebes, Mayo 21, 2026.
Nakasaad sa teaser ad: “The pairing that will change your life. Dalawang Best Actresses of Philippine cinema in one drama movie event of the year!”
Ngayong Biyernes, Mayo 22, napanood sa mga social media page ng Viva Films ang scene drop mula sa Life After You.
Ito ang pamagat ng proyekto nina Maricel at Bela na “exclusive” mapapanood sa mga sinehan.
Read: Ces Drilon goes viral for heated interview with Bato's lawyer Jimmy Bondoc
TALE OF TWO WOMEN
Nangyari ang unang araw ng shooting nina Maricel at Bela para sa Life After You noong Huwebes, Mayo 21.
Mula ito sa panulat at direksiyon ni Marla Ancheta, ang direktor ng Doll House, ang 2022 Netflix movie na pinagbidahan ni Baron Geisler at ng child actress na si Althea Rueda.
Tungkol sa dalawang babae at ang magkaibang paraan ng pagpapalaki nila sa isang bata na parehong malapit sa kanilang mga puso ang kuwento ng Life After You.
Hindi nagdalawang-isip si Maricel dahil tinanggap agad nito ang proyekto nang mabasa niya ang magandang kuwento at script ng pelikula.
Bago pa naglabas ng teaser ad ang Viva Films tungkol sa Maricel-Bela project, nauna nang nagbahagi si Marla sa Instagram account nito ng larawan kasama sina Bela at Maricel, noong Mayo 7, 2026.
Caption niya: “Excited to be working with these gorgeous ladies soon!’
Read: James Reid name-drops Kathryn Bernardo; Daniel Padilla reacts
View this post on Instagram